
Talo ko si Anne Curtis sa pagiging nag-iisang dyosahhh...
Ako ang nag-iisang dimonyo.
...ako lang ang masama
...ako lang ang masakit magsalita
...ako lang ang ill-tempered
...ako lang ang insensitive
...ako lang ang selfish
...ako lang ang nagmamay-ari ng lahat ng masamang adjective
Pero natutunan ko sa Batman: The Dark Knight, lahat ng masamang tao, may pinanggalingan ang pagiging masama. May malalim na dahilan.
Mabuti pa nga ako, hindi ako pumapatay, damdamin lang ang sinasaktan ng mga matatalim kong salita.
Pero kagaya ni Joker, nasaktan lang din ako. Nasaktan ako sa ginawa mo. Ginago mo ako eh. Naghirap ako. Nagpuyat. Pinilit matapos ang dapat na matapos sa pag-asang makakapasa tayo ng maaga. Pero ano ginawa mo? Ano ginawa nyo? Read: PINAASA NYO LANG AKO.
Hindi ako perfectionist, o O.C., o aspiring for uno. Pero hindi rin ako tanga kaya wag mo akong gawing tanga.
Ang sakit nung ginawa mo. Alam mo bang napaiyak mo ako? Sa tanda kong ito, umiyak ako dahil sa school project. Gago ka kasi. Gago. Bibigyan mo ako ng output na mukhang tatlong oras mo lang ginawa (o mas konti pa). O sige, sabihin na nating pinaghirapan mo iyon, pero nasaan? SABIHIN MO. IPAKITA MO YANG SINASABI MO. WALA AKONG MAKITA. WALA KAMING MAKITA sa sinasabi mong pinaghirapan mo. (reasonable naman siguro ako, hindi lang naman ako ang hindi nakakita eh)
Pakiramdam ko talaga ngayon, nag-iisa ako. Ako lang ang masama. Ako lang ang masakit mag-salita.
Hindi naman ako magsasalita ng pangit kung hindi pangit ang ginagawa mo. At lalo na kung hindi ko pinagpuyatan at pinilit matapos ang ginawa ko.
Sa mga susunod na groupings, kung ayaw nyong maranasan itong nararanasan nya, wag na kayong makipag group sa akin. Hindi na ako magugulat kung next sem, para na akong si ***e* o kaya si ***d*** na wala agad kumuhang group mate.
Eto lang naman ang mga kasalanan ko:
1. Mabilis akong magalit sa tamad na groupmate (ang magnanakaw, galit sa kapwa magnanakaw)
2. Tamad ako. But i make sure i submit whatever output is expected of me, in a very timely manner. Tanungin nyo pa sina C****.
3. Mahilig akong maglider lideran. Pero wala pa naman akong narinig na reklamo about that. (So if you're one of those, c'mon tell me.)
4. Bossy ako. (Talaga?) Minsan lang naman yata. Kasi minsan, out of this world naman ako sa mga meetings eh. O kaya nakikipag chismisan lang.
5. Hindi ako nag-aaspire na maging best group. Tama na sa akin yung "ok lang".
To you,
Masakit akong magsalita? Yung ginawa mo, hindi masakit? Ah... Ako pa ngayon ang sensitive. Kung masakit akong magsalita, wag ka na magpakita sa akin. Hindi na rin ako makikipagkita o makikipagusap sayo. (TO ALL:) Hindi ako tumatanggap ng sorry. Lalo na sayo. Too late to apologize. Madaming beses na kitang pinagbigyan. Pinupuri pa nga kita kapag maganda trabaho mo.
From me.
Wag mo nang tangkaing basahin ito. Baka masaktan ka lang.
GOODLUCK ABAM AND JFA SA ORGPRES MAMAYA!
By the way, nabalitaan ko, may constraint na namang nangyari ah. Tsk tsk. Kayo talaga, hindi masyado nag iingat. Hay. Pag natalo tayo, sigurado, galit ako. Pwedeng sa inyo. Pwedeng sa ibang orgs. O pwede rin namang sa judges.
Maiba ako, aba hindi ko napapansin,
100 days na lang Christmas na! 77 days na lang, veinte anyos na ako!