Bad trip talaga mga jeepney drivers. Makasarili.
Siguro naman napapansin nyo rin ito. Kapag halimbawa sasakay ka ng jeep, kapag pumara ka, (take note: kahit saan) makakasakay ka. Kahit pa traffic at napakadaming sasakyan sa likod ng jeep, pihadong titigilan ka nito dahil sayang naman ang dala mong P8.50.
Pero kung ikaw naman ang bababa, naku patay ka, kapag bawal bumaba dun sa pinarahan mo, magagalit pa yan sayo. Manlilisik ang mata nya, may pabulong bulong pa, pagmumukhain ka nya na wala kang pinag-aralan, dahil hindi ka marunong sumunod sa batas. Ikaw kasi eh. No unloading dyan.
Pati pag sa pamasahe. Kapag nagbayad ka ng P100, natural kapag malapit ka na bumaba o kaya medyo matagal ka nang hindi sinusuklian, itatanong mo yung sukli mo. Aba, syempre pa galit na naman si mamang tsuper. Hindi ka daw makahintay. Minsan nga kapag nakalimutan na nya na nagbayad ka, sasabihin pa nya na naibigay na nya sukli mo. Ang ending, mapapahiya ka sa mga kasabay mo dahil mukha kang sabik sa pera o kaya naman nagwa- 1,2,3 ka. Galing talaga!
Para rin namang sa MRT, kapag nakasakay ka na at bababa ka sa isang station, galit na galit ka dahil sumasakay na agad sila eh hindi ka pa nakakalabas. Pero pansinin, kapag ikaw naman ang nasa labas, kebs ka lang kung may lalabas. Ang importante sayo eh ang makasakay ka. Galing naman!
Pero jeep drivers ang bida ko ngayon kaya balikan natin sila. Di ba nagtaas ng pamasahe dati dahil tumaas ang presyo ng langis? Aba, hindi ba't nakailang strike sila para itaas ang pamasahe? Atat na atat silang itaas ang pamasahe kahit pa last week lang eh nagtaas sila. Pero ngayon, medyo bumababa na ang presyo ng langis kumpara sa dati. Pero anong maririnig mo sa kanila? "Basta driver, sweet lover". Ang saya. Makapag strike rin kaya.
Hindi ako galit sa drivers. Tanga lang siguro ako dahil hindi ko sila naiintindihan. Tanga din sila dahil hindi nila tayo naiintindihan.
**********
Simula ngayon, babaguhin ko na ang image ng blog na ito. Puro observations na lang ilalagay ko. Hindi na tungkol sa pagiging emow ko dahil ang baduy nun.
No comments:
Post a Comment