Monday, September 12, 2011
Tao din naman Sila
Natutuwa lang talaga ako ngayon kaya ako napa blog ulit. Walang structure to, sabog lang. Ilalabas ko lang lahat ng sinasabi ng utak ko. Bihira lang to eh. Pero wala kayong mapupulot na aral. Enjoy lang. Malalaman nyo maya-maya lang kung bakit ako natutuwa.
Bago ang lahat, naniniwala akong ang blog eh 3 bagay lang:
1. Isa itong channel kung saan nailalalabas ng manunulat ang kanyang emosyon, opinyon, at kung ano ano pang kuro-kuro.
2. Maari ring sabihing ito ay para sa mga taong walang magawa.
3. Higit sa lahat, hindi pwedeng wala kang oras pagdating sa blogging. Kung hindi, eh wala kang mababasa o maisusulat.
Pagkatapos kong i-enumerate yung tatlo sa taas, aba, eto ako't nalungkot ulit.
Hindi na kasi gaya ng dati na ang dalas dalas kong magsulat. Ang ingay ingay ng utak ko. Bawat pagharap ko sa laptop, blog agad nasa isip ko. At in fairness, may sense yung mga nauna kong posts ah. May sense na, may humor pa.
Pero ngayon, wala naaaaaaa?!
LOL
*******
Gusto ko na ulit maging estudyante. Gusto ko ng mag enroll sa MBA. Kaso tight pa ang budget, kailangan pa matapos ni sister sa college bago ko mapag-aral ulit ang sarili ko. Pero excited na ako! Gusto ko na ulit magbasa ng magbasa, makipag-argue sa class, maging top sa exam (haha!), magpresent sa harap ng class, at makakuha ng mataas na grade. May cum laude cum laude rin ba pag MBA? Pak!
Maiba lang ako.
********
Ang tunay na dahilan lang talaga kung bakit ako nagsulat ulit dito eh dahil tuwang tuwa talaga ako dahil dalawa sa mga blogs na nasa blogroll ko sa kanan eh napadaan dito at binasa yung nauna kong post, at nagcomment pa!
Natuwa talaga ako dahil sa twing binabasa ko yung blog nila, ang pakiramdam ko eh hindi sila tao. Haha. Kumbaga parang mga artista, feeling mo hindi sila tao. Gaya ng mga author ng mga librong binabasa ko - walang relationship between them and I. Tapos ngayon, bigla na lang one day, makikita ko na may comment galing sa kanila. Katuwa.
You see, silent reader lang ako sa blog kasi gaya ng feeling ko sa mga author ng librong binabasa ko, hindi sila tao. Kaya basa lang ako ng basa. Ni hindi nga ako nagcocomment. Pero basa pa rin ng basa lalo na kung wala akong sales call sa labas. Through their blogs, parang nakikiliti ulit ang utak ko. Kagaya ng kiliting nararamdaman ko kapag may nababasa akong mga nag aaway sa pader ng cr o anumang public place. Mahilig akong magbasa (leadership/marketing/love story/nonsensical/kahit ano pa).
Mahilig din akong magsulat (dati) kaso masyado yata akong naging busy sa pagiging artista (at pagiging mayaman) lately kaya nakalimutan ko ng magblog. Then again, basa pa rin ako ng basa ng blog ng iba. Gulo mo!
There. Alam kong walang maitutulong itong promotion ko sa kanila dahil wala talagang nagbabasa nito (hahahahahaha!) pero kung sakaling wala kayong magawa ngayong oras na to, try nyo basahin yung blog ni Daddy Kuri at Gillboard, katuwa. Mga ser! Makinig kayo sa sat (6-9pm) at sun(3-6pm) sa 106.7 Energy FM. Dali na! Excited akong batiin ang angkan nyo.
I long for the day when I can write a post while sitting on a shore, drinking my pineapple juice, enjoying my tan, watching half naked persons, while thinking, "What the heck?! Am i the only profound person here? Bakit puro enjoy sila, ayaw nilang i-stimulate ang brains nila in this relaxing setting?"
Masabi lang.
Wednesday, February 11, 2009
The Correct Answer is...
Letter A! Continuation of this.
And so i went to Lufthansa Technik Philippines located in Villamor Airbase, approximately 1 kilometer away from the main gate. Funny, right?
So that's basically how my day went out. Woke up at 8am (original plan was to wake up at 3am to study for an exam, but heck!), went to school, attended my 10-1130 class then went to Pasay nga for my exam. I made it to UP around 6.30pm na.
The exam was F-ing long. Loong. It took us almost 3 hours to finish and it almost bored me. Well yes, it bored me. I can remember how lazy i was feeling while answering the last 2 exams.
Anyway, argh, i can't structure my words. So the place was cool, the travel was an adventure, and villamor airbase is full of AIRCRAFTS! Haha. Bumalik ang probinsyano within me. (Provincial naivity(?) all came back to me) It was fun looking at all those aircrafts!
But the proctor was even more hilarious. She was a "barok", pronouncing each and every word in a very "barok manner". I can't help but remember her, "Eyni questions?" Haha. And how can i forget the travel time! 1.5 hours going there, and another 2 hours going back. Ay leche! Di ko maexpress yung kwento pag hindi tagalog. Ayun nga, sobrang tagal ng travel time at naisip ko, kung sakaling dun ako papasok, goodluck naman. Baka palagi akong may memo for being late. But thanks to them, they are indeed very accomodating. Parang gusto talaga nila ako. Haha. Though i can never be sure until i receive a call from them tomorrow by 9am daw for the preliminary interview.
Whew! What a day.
Don't you wonder why i feel energetic right now? READ: Nagjogging ako! Haha (bragging/evil laugh). I made 4.4 kilometers! And that's what made my day. Jogging alone ha. Pero nasira yata yung iPod ko, nabasa ng pawis. Pero jogging alone is even more fulfilling. I get to think alone, meditate, and workout!
Wuhoo. Ang saya.
Thursday, January 29, 2009
Internet and Boredom and Uptightness
Anyway,
Masarap na ang pakiramdam ko ngayon. Pagkatapos kong malampasan ang hell week ko last week, nag momove on na ako ngayon. Thanks to my planner! I dont know kung psychological effect lang yun pero parang organized talaga ako when it comes to my deliverables. I finish all my requirements, internal deadlines, and still feel relaxed kahit na parang stressed na dapat.
So, if someone would be curious enough to see my planner, there you can see all the things I have accomplished and the things i would like to accomplish. Andun din yung outline ko for my New Year's Resolution but unfortunately, I'm not able to fill in the blanks up to this time. I lack the energy, motivation, and time to do so.
Tomorrow (I mean later), magpapasa na ako ng resume sa job fair. Though I'm a bit half-hearted sa pagpasa ng resume sa job fair, gagawin ko pa rin. Nothing to lose but papers (and calories for walking). Kasi naman, companies feel so important kapag job fairs. Hindi pinapansin yung sandamakmak na resumes na tinatanggap nila. Some lang naman. Others still call. Mga 1 or 2 companies. Going back to my resume, naimpress ako sa ginawa ko! Haha. Sana pati mga companies din maimpress.
Haha.
I feel overwhelmed. Ang ingay ng utak ko. Ang daming gustong ilabas. Kanina nga nung tinatyoe ko yung 2nd paragraph, isinisigaw nya na gumawa ako ng outline for this post, but my hands said "No no never never ah ah ah". (Do you know this song?).
Haha.
- So last tuesday, we were the 2nd best group in Brand Management's Round 1 (Brand Introduction). GO ENERVON! If we (meaning, Nica and I) only practiced religiously for that report, we could have been number one. We believed that we had the greatest analysis of Enervon's current situation but we only lack on presentation matters. (The best group received 93, us 92) First time mangyari nito. Haha. Usually kasi, kapag kami nina Nica and/or Anna ang nagprepresent, puro presentation and entertainment, walang content. Haha. This time, puro content naman. SO proud. Haha. We'll do our very best, exert our very best, and be as a group at our very best next time. Enervon will be the number one brand! (At least for 177)
- And also, who would forget (did anyone know?) my acting stint in PI 100 last tuesday? Haha. I played Satanas in Rizal's play, "Junta al Pasig". Napakadaling role. Kahit nakalimutan ko kung kelan ang next pasok ko, nagampanan ko pa ring mabuti. It runs in the blood. Haha. And nica's planner even said, "Ace became an actor in PI 100, Kudos! (or clap clap, or great job, can't remember exactly) Haha. I hope we got 1.00 for that. We should be! My first long exam had an encircled 3.00 in it.
- Yabang Pinoy's "Takbong May Yabang" will be on Sunday na. Registration starts at 5am, run starts at 6am. So go na runners! It's your time to shine, and burn those calories while graciously shouting your Filipino pride! Overnight na kami sa Saturday, 3.30 kasi call time. Goodluck UP ABAM Yabang Pinoy!
____
On other thoughts,
Kanina, tahimik lang ako. Sabi ni caloy sa akin, may problema ka? Sabi ko meron. Pero personal, non-lovelife, non-friend, non-sexual problem. Alam nyo sabi nya?
ALAM KO NA!
Sabi ko naman (with an obvious defensive tone), hindi ako nakabuntis! Wala akong STD!
Caloi: Talaga? Alam ko na!
Ace: Huh? Anong alam mo?
Caloi (in my ears): Hindi ka na tinitigasan no?
Ace (shouting): Gago ka! Never ko magiging problema yun! Haha.
See. Minsan, looks really deceive. Hindi mabait si Caloi. Haha.
Pero alam nyo kung bakit ako malungkot? Kasi tinatamad ako gumawa ng interview project sa 198. Nakakatamad. Eh natatakot naman ako mapahiya sa class. Saka sira kasi yung ginagamit kong laptop. Wala ring DSL. So baka hindi na naman ako makapag internet. Kakalungkot di ba? By the way, 2 days in a row na akong maagang natutulog! As in 10pm tulog na ako! Bravo! I- congratulate nyo ako. Pero kahit naman ganun, antok na antok pa rin ako sa school. So eto, nagpupuyat na ulit ako.
Uptight talaga ako dahil sa 198! Pero in fairness, i learned a quote, that i hope to apply to my life, from BA 198 kanina. It goes,
Don't look forward too long, you tend to not focus on the task at hand.
May kasunod pa yan. Something like, "take everything on bite sizes while keeping the whole picture in mind".
Ganda! Galing! Gaga! Haha. Gusto lang gumawa ng triple G.
So anyway, i really hope to really apply this to my life. Really.
My internet sucks! Really sucks. It takes a loooooong while before i can browse on sites. Dahil mabagal sya, hinabaan ko na itong post ko. Sooolit.
By the way, my deep apologies to any foreigners reading my posts. I can't write in pure English not only because i'm not good in English, but also because i believe that it loses my supposed meaning if it were not written in my own language.
Bye.
While reading one of my friend's site, i saw that wishes turn into reality if it is in written words. That, according to here, is the power of words. So here goes my wishes.
On April 2009, I will graduate with honors. As in Cum Laude.
By May 2009, I will be employed as management trainee in a reputable company receiving reputable salary.
By June 2009, she will begin to study.
Thursday, December 11, 2008
On Editing Pictures
Because of a lack of thing to do, i tried editing my pictures through Nero Photosnap Viewer. Voila! I liked it.




Wednesday, December 10, 2008
B.H.A.G.
Ever since naman na makilala ko siya, nainspire na ako. Galing syang province (gaya ko), scholar (gaya ko), and a very ambitious hardworker (hmm, di yata ako).
Tawa ako ng tawa nung sinabi niya na kinikilabutan pa rin sya hanggang ngayon kapag pumupunta sya sa Makati. Yuck, so me. Haha. Ganun din pakiramdam ko kapag bumababa ako from MRT Ayala Station nang naka-corpo attire.
Gusto ko ring gawin yung B.H.A.G. ni sir. Pero kailangan nun ng sobrang taas na pangarap at motivation at sipag to achieve the goals.
Dahil dyan, kailangan ko ring maging masipag!
Thursday, October 16, 2008
You're So Near Yet So Far
You're really so near yet sooooo far.
4 things na nga lang requirements ko, pero ang hirap mo tapusin. Sana mag October 18 na. Or better yet, sana mag 2nd sem enrollment na.
This night's Trinoma get-away is the best Trinoma experience i ever had. With Allen, Carla, Michelle, and Sharry. Miss you!
Gagayahin ko si Nica...Konti na lang, sembreak na!
BA 173 Final Paper
GE 1 Final Exam
BA 191 KM Research Paper
BA 191 Reflection Journal
AND I'M FREE!
Wednesday, September 24, 2008
Quikie Update
Pero ang saya ng inuman na biglaan. Sobra. Wala pa akong inuman na biglaan, unplanned, o kaya first time encounters ang hindi naging masaya. Sana marami pang dumating na ganon!
**********
Bigla kong naisip, minsan, ang isang bagay, masaya lang sa unang pagkakataon. Sa pangalawa, hindi na ganoon kasaya.
*********
Ang saya talaga ng tapos na sa feasib. Malaya ko na itong masasabi dahil malamang naman lahat ng kaklase ko ay nakapasa na kanina ng feasib nila. Kaso marami pang paper. Pero ok lang, kaya naman yun.
Inspired ako ngayon. Pakiramdam ko kasi, ang galing ko. Haha. Blog ko ito walang pakialaman. Feeling ko ang organize ko. Ako kasi may contact dun sa CEO namin na iimbitahang pumunta sa school para sa isang open forum. Nakakatakot pero ginagawa ko naman ang lahat para walang bulilyaso.
Ginugulo pa rin ngayon ang isip ko ng porfolio sa 191 na pinapapasa ni Manuel...(oops baka mabasa niya, silent lang ako). Kailangan kasi creative depiction ng mga natutunan mo buong sem. Watdapak. Parang art class. Hindi ba niya alam lahat ng art projects ko simula nung nag-aral ako eh hindi ako ang gumagawa? Paker. Wala akong alam sa art maliban sa pag-awit at pag-sayaw. Pak talaga oo.
**********
Tinatamad akong gumawa ng Final paper sa 190. Binigyan kasi kami ng option na hindi gumawa ng paper, provided that your grade for that will be equivalent to 90% of your midterm paper. Eh 95 ako dun, so magiging 85 yung final paper ko. Chineck ko sa syllabus, 1.75 pa rin equivalent non! So ngayon, malapit ko ng maconvince ang sarili ko na wag na lang gumawa. Oh Lord, help me decide what's the best thing to do.
**********
Naisip kong maging thinker kanina habang nasa jeep. Kaya naman simula ngayon, pipilitin kong mga may laman naman ang isusulat ko dito. Maturity baga. Pero dahil madaldal talaga ako, may paminsan-minsang nonsense pa rin naman.
i love you Q! Namimiss ko na yung mga lambingan natin. Out of town na ulit tayo!
92 days na lang Christmas na! 69 days na lang, veinte anyos na ako!
Tuesday, September 2, 2008
Weekend Getaway
Friday Evening
Overnight Member's Night sa UP ANGKAN! Ang saya saya. Nakainom na naman ako sa wakas. Nanalo pa ako ng "microphone/flash light/lighter-in-one" dahil sa pagiging videoke king ko. Mahilig ba akong kumanta?

Lasing na...
Love You ANGKAN!
BULAGA!
Saturday
We had our first meeting with ANGKAN alumni to discuss plans for first-ever Grand Alumni Homecoming (take note:during my term). Grabe. Nostalgic yung feeling. 1990 tinatag ang UP ANGKAN, and there kasama namin sa meeting yung member from 1994 pa! Na trace na din namin yung mga founders! I am so proud of my ExeComm. And sobrang thankful ako dahil they are very willing to put up UP ANGKAN Alumni Association. Special thanks to our lawyer alumnus!
Ang sarap at ang dami rin nung nilibre nila sa MOA Gerry's Grill. Every month na kami magkakaroon ng alumni meeting until December. Which translates to every month libreng chibog at inom. Saya! ABAM? Can we also do this?
Pictures to follow.
Sunday
Uber sayang bonding with family. Ewan ko nga ba pero extra special for me yung family bonding last weekend. Parang narelieve ako sa stress, crisis, at lahat ng negative energies. May pasalubong pa nga akong dulce de leche sa kanila eh. (Cavitenyo accent)
Mag hahanap pa ako ng family picture na gwapo ako.
**********
Pero ang pangit dun, i LOST my wallet. Tangina kasi. Pasosyal pa ako. Nagtaxi, ayun nalaglag ang pitaka. May P100 pa yun, andun yung UP ID, Comelec ID, Globe Prepaid card. Hay. I was never meant to be sosyal.
Pero masaya pa rin. Salamat Dear Lord.
Hanggang sa mga susunod na kaligayahan!
M.E.R.R.Y...C.H.R.I.S.T.M.A.S.
Nasa grocery kami kanina para bumili ng mga yogurt at gatas para sa pangarap ng tito ko na maging healthy (bilin ni Doc, or else...). Habang namimili, nagulat na lang ako ng marinig ko yung in-store music. God. Christmas Carols na! Ang sarap ng feeling!
Nakakatawa talaga. Naka-sampung beses ko yata sinabi sa kanya na "Shet! Magpapasko na!" kasunod ng, "Gusto ko na ulit mag-simbang gabi sa Cavite!"
Syempre, OA naman yun. Nainis nga si Tito, tapos sabi niya sa akin, "isang beses ko pang marinig yan ah..."
Kaya tumahimik na lang ako at nagmunimuni sa mga pangit na namimili sa Shopwise.
**********
First Christmas din namin ito ni Q!
I am so excited. Ngayon lang ako makaka-experience ng Pasko na may someone to embrace. Haha.
**********
Naalala ko yung isang conversation namin ni Weng while walking from our Spanish class. Nasabi ko na "lahat ng tao masaya kapag Pasko". Totoo kaya ito? Sa tingin ko naman oo. Naranasan ko na rin kasi yung mga pasko na walang masyadong pera, walang regalo, basta kulang. Pero dahil buo ang pamilya, kasama pa ang masasaya at magugulo kong kamag-anak at friends, sobrang saya pa rin! Gusto ko na ulit makapag-simbang gabi, mag Christmas Party, mag Lantern Parade, fireworks, exchange gift sa Ocean's Twelve, magreceive ng gifts, at mag birthday!
**********
Grabe, magbibilang na ako kung ilang araw na lang bago mag-Christmas dito sa blog.
And now, It's only 114 days before CHRISTMAS!
I Am Famous









Marami pa yan eh. Kaso may taping pa ako kaya hindi ko na maasikasong ipost.
in a small town of forks
Will i soon be acting the way Nica, Dianne, and others are acting?