Showing posts with label 190. Show all posts
Showing posts with label 190. Show all posts

Wednesday, September 24, 2008

Quikie Update

Ang saya kahapon. Sobrang biglaan ang mga kasiyahang nagyari sa buhay ko. Biruin mo yon, sandali lang sana kaming mag-iinom ni Ian, pero dahil may nakita kaming mga dating kakilala, ayun, ang sandali ko, naging sandali-na-lang-umaga-nang-uwi.

Pero ang saya ng inuman na biglaan. Sobra. Wala pa akong inuman na biglaan, unplanned, o kaya first time encounters ang hindi naging masaya. Sana marami pang dumating na ganon!

**********

Bigla kong naisip, minsan, ang isang bagay, masaya lang sa unang pagkakataon. Sa pangalawa, hindi na ganoon kasaya.

*********

Ang saya talaga ng tapos na sa feasib. Malaya ko na itong masasabi dahil malamang naman lahat ng kaklase ko ay nakapasa na kanina ng feasib nila. Kaso marami pang paper. Pero ok lang, kaya naman yun.

Inspired ako ngayon. Pakiramdam ko kasi, ang galing ko. Haha. Blog ko ito walang pakialaman. Feeling ko ang organize ko. Ako kasi may contact dun sa CEO namin na iimbitahang pumunta sa school para sa isang open forum. Nakakatakot pero ginagawa ko naman ang lahat para walang bulilyaso.

Ginugulo pa rin ngayon ang isip ko ng porfolio sa 191 na pinapapasa ni Manuel...(oops baka mabasa niya, silent lang ako). Kailangan kasi creative depiction ng mga natutunan mo buong sem. Watdapak. Parang art class. Hindi ba niya alam lahat ng art projects ko simula nung nag-aral ako eh hindi ako ang gumagawa? Paker. Wala akong alam sa art maliban sa pag-awit at pag-sayaw. Pak talaga oo.

**********

Tinatamad akong gumawa ng Final paper sa 190. Binigyan kasi kami ng option na hindi gumawa ng paper, provided that your grade for that will be equivalent to 90% of your midterm paper. Eh 95 ako dun, so magiging 85 yung final paper ko. Chineck ko sa syllabus, 1.75 pa rin equivalent non! So ngayon, malapit ko ng maconvince ang sarili ko na wag na lang gumawa. Oh Lord, help me decide what's the best thing to do.

**********

Naisip kong maging thinker kanina habang nasa jeep. Kaya naman simula ngayon, pipilitin kong mga may laman naman ang isusulat ko dito. Maturity baga. Pero dahil madaldal talaga ako, may paminsan-minsang nonsense pa rin naman.



i love you Q! Namimiss ko na yung mga lambingan natin. Out of town na ulit tayo!

92 days na lang Christmas na! 69 days na lang, veinte anyos na ako!