Showing posts with label weekend. Show all posts
Showing posts with label weekend. Show all posts

Wednesday, February 9, 2011

Hottest DJ

Yes.

May bago akong endeavor ngayon, radio DJ. Astig di ba? Hehe. Pero sa "masa" station ako so I don't think you, I mean my regular friends & acquaintances, will find it cool.

UPDATE: Nabura yung post ko so gumagawa na naman ako ng bago. Badtrip.

Nakakatuwa naman. I enjoy the exposure, experience, and the added monthly compensation. Hehe. Ibang klase ang sideline ko - Radio DJ.

Yung mga kamag-anak ko sa Cavite, sobrang saya. May nagtatampo pa kapag hindi ko nababati. At yung mga barkada ko na hindi naman talaga nakikinig sa "masa" FM, nakinig bigla. In fairness to me, natuwa naman sila na narinig nila name nila sa radio. Although medyo baduy nga ang format. Pero baduy has different definitions naman eh. And sometimes, masaya maging baduy, no pretensions. Oh yes, you're right, I'm just trying to justify. Hehe.

Slots given to me are Sat 7-10pm and Sun 4-7pm. So pag may time ka, listen to Energy FM. Pero binabalaan kita - masa station to ah. Dahil dito sa energy, wag mong sabihing radyo, sabihin mo energy! If you know some drivers, maids, tindero/a who will most likely listen to this type of station, please help me promote this to them, have them text via textline, i-greet ko sila sa program. Kayo na rin! Paalala lang ha, hindi pa ako ganun kagaling. Medyo kinakabahan pa ako eh. Pero hindi naman palpak, sakto lang. OK for a newbie. I was hired naman for my voice and strong, humorous personality.

O sige na mga pangga! Hanggang sa susunod. Magsama sama pa rin tayo dito sa energy, wag mong sabihing radyo, sabihin mo energy!

HAHAHAHA.

*****

Mas magiging madali na ang pagsali ko sa PBB. Or pwede na rin ako sumali sa Survivor Celebrity Edition! Excited na ako sa paglago ng career ko bilang artista.

Tuesday, September 2, 2008

Weekend Getaway

Ang saya ng weekend ko last Fri-Sat-Sun!

Friday Evening

Overnight Member's Night sa UP ANGKAN! Ang saya saya. Nakainom na naman ako sa wakas. Nanalo pa ako ng "microphone/flash light/lighter-in-one" dahil sa pagiging videoke king ko. Mahilig ba akong kumanta?







Lasing na...



Love You ANGKAN!






BULAGA!





Saturday

We had our first meeting with ANGKAN alumni to discuss plans for first-ever Grand Alumni Homecoming (take note:during my term). Grabe. Nostalgic yung feeling. 1990 tinatag ang UP ANGKAN, and there kasama namin sa meeting yung member from 1994 pa! Na trace na din namin yung mga founders! I am so proud of my ExeComm. And sobrang thankful ako dahil they are very willing to put up UP ANGKAN Alumni Association. Special thanks to our lawyer alumnus!

Ang sarap at ang dami rin nung nilibre nila sa MOA Gerry's Grill. Every month na kami magkakaroon ng alumni meeting until December. Which translates to every month libreng chibog at inom. Saya! ABAM? Can we also do this?

Pictures to follow.


Sunday


Uber sayang bonding with family. Ewan ko nga ba pero extra special for me yung family bonding last weekend. Parang narelieve ako sa stress, crisis, at lahat ng negative energies. May pasalubong pa nga akong dulce de leche sa kanila eh. (Cavitenyo accent)

Mag hahanap pa ako ng family picture na gwapo ako.

**********

Pero ang pangit dun, i LOST my wallet. Tangina kasi. Pasosyal pa ako. Nagtaxi, ayun nalaglag ang pitaka. May P100 pa yun, andun yung UP ID, Comelec ID, Globe Prepaid card. Hay. I was never meant to be sosyal.

Pero masaya pa rin. Salamat Dear Lord.

Hanggang sa mga susunod na kaligayahan!