Showing posts with label nonsensical. Show all posts
Showing posts with label nonsensical. Show all posts

Monday, September 12, 2011

Tao din naman Sila

Nakakita na ba kayo ng artista? Nagpapicture/autograph ba kayo? If yes, eew baduy. (Haha! Blog ko to, walang kontrahan.)

Natutuwa lang talaga ako ngayon kaya ako napa blog ulit. Walang structure to, sabog lang. Ilalabas ko lang lahat ng sinasabi ng utak ko. Bihira lang to eh. Pero wala kayong mapupulot na aral. Enjoy lang. Malalaman nyo maya-maya lang kung bakit ako natutuwa.

Bago ang lahat, naniniwala akong ang blog eh 3 bagay lang:

1. Isa itong channel kung saan nailalalabas ng manunulat ang kanyang emosyon, opinyon, at kung ano ano pang kuro-kuro.
2. Maari ring sabihing ito ay para sa mga taong walang magawa.
3. Higit sa lahat, hindi pwedeng wala kang oras pagdating sa blogging. Kung hindi, eh wala kang mababasa o maisusulat.

Pagkatapos kong i-enumerate yung tatlo sa taas, aba, eto ako't nalungkot ulit.

Hindi na kasi gaya ng dati na ang dalas dalas kong magsulat. Ang ingay ingay ng utak ko. Bawat pagharap ko sa laptop, blog agad nasa isip ko. At in fairness, may sense yung mga nauna kong posts ah. May sense na, may humor pa.

Pero ngayon, wala naaaaaaa?!

LOL

*******
Gusto ko na ulit maging estudyante. Gusto ko ng mag enroll sa MBA. Kaso tight pa ang budget, kailangan pa matapos ni sister sa college bago ko mapag-aral ulit ang sarili ko. Pero excited na ako! Gusto ko na ulit magbasa ng magbasa, makipag-argue sa class, maging top sa exam (haha!), magpresent sa harap ng class, at makakuha ng mataas na grade. May cum laude cum laude rin ba pag MBA? Pak!

Maiba lang ako.

********
Ang tunay na dahilan lang talaga kung bakit ako nagsulat ulit dito eh dahil tuwang tuwa talaga ako dahil dalawa sa mga blogs na nasa blogroll ko sa kanan eh napadaan dito at binasa yung nauna kong post, at nagcomment pa!

Natuwa talaga ako dahil sa twing binabasa ko yung blog nila, ang pakiramdam ko eh hindi sila tao. Haha. Kumbaga parang mga artista, feeling mo hindi sila tao. Gaya ng mga author ng mga librong binabasa ko - walang relationship between them and I. Tapos ngayon, bigla na lang one day, makikita ko na may comment galing sa kanila. Katuwa.

You see, silent reader lang ako sa blog kasi gaya ng feeling ko sa mga author ng librong binabasa ko, hindi sila tao. Kaya basa lang ako ng basa. Ni hindi nga ako nagcocomment. Pero basa pa rin ng basa lalo na kung wala akong sales call sa labas. Through their blogs, parang nakikiliti ulit ang utak ko. Kagaya ng kiliting nararamdaman ko kapag may nababasa akong mga nag aaway sa pader ng cr o anumang public place. Mahilig akong magbasa (leadership/marketing/love story/nonsensical/kahit ano pa).

Mahilig din akong magsulat (dati) kaso masyado yata akong naging busy sa pagiging artista (at pagiging mayaman) lately kaya nakalimutan ko ng magblog. Then again, basa pa rin ako ng basa ng blog ng iba. Gulo mo!

There. Alam kong walang maitutulong itong promotion ko sa kanila dahil wala talagang nagbabasa nito (hahahahahaha!) pero kung sakaling wala kayong magawa ngayong oras na to, try nyo basahin yung blog ni Daddy Kuri at Gillboard, katuwa. Mga ser! Makinig kayo sa sat (6-9pm) at sun(3-6pm) sa 106.7 Energy FM. Dali na! Excited akong batiin ang angkan nyo.


I long for the day when I can write a post while sitting on a shore, drinking my pineapple juice, enjoying my tan, watching half naked persons, while thinking, "What the heck?! Am i the only profound person here? Bakit puro enjoy sila, ayaw nilang i-stimulate ang brains nila in this relaxing setting?"

Masabi lang.

Friday, January 9, 2009

Welcoming Acads Back

It's the 9th day of the first month of the year, already 5 days since the long vacey, and still, i don't want to work.

Nakakatamad pa bumalik sa school. Or better yet, tamad pa rin pala ako. Wala akong gustong gawin kundi matulog lang. Ang sarap tumunganga lang at mag-isip sa kawalan. I miss reminiscing my past - my promdi past. I miss innocence, kabaduyan, kaguluhan with my fellow promdi, and the serenity of the province.

Ewan ko pero this is the first time that i felt so attached to my homeland. It feels like every day here in the city is new, as if i haven't been here for a long time. Naninibago ako - that's it. Tagal ko inisip yung term.

Ang dami kong workload but i feel so lazy to do any of these. Siguro dahil matagal pa naman deadline. Yung system ko kasi, epal, kapag matagal pa ang deadline unproductive. Kapag in a few hours na lang deadline na, saka nagmamagaling.

By this time, i should be doing my paper in 177, assignment in 106, reading Junta al Pasig of Rizal pero ano? Tinatamad ako!

Grabe.

Pano kaya ako yayaman nito? Eh ang tamad tamad ko. Tapos feeling ko hindi na ako masyado competitive.

Teka.

(after 2 minutes)

Inisip ko talaga kung paano ako yayaman. Haha. And i realized na kaya pala ako tinatamad dahil inaantok ako. Masyadong mabigat ulo ko at the moment. Actually ngayong week na ito. Actually ever since. Haha. Pero minsan kasi sobrang inspired ko eh. May mga araw na sobrang sipag ko, organized (by the way, meron na akong planner at file accordion, haha), at sobrang inspired. Pero kahit na ganun, mas marami pa rin yung tamad ako. OK. Humanda kayo sa akin, I WILL BE RICH! I will. You will all look up to me. Soon. Sasali ako sa game knb?.

Potalech. Harsh word na naman. Baka maiskandalo na naman si Mam Gamo sa words ko o kaya isumbong na ako ni Caloy sa Mom nya for being obscene.

WALANG KWENTA tong post ko. Wala talaga ako sa mood. Sana bumalik na mood ko. Hindi na ako productive eh. Patapon na naman ako. Shet.

Thursday, December 11, 2008

On Editing Pictures

Haha.

Because of a lack of thing to do, i tried editing my pictures through Nero Photosnap Viewer. Voila! I liked it.





Saturday, December 6, 2008

AJA

I don't really know what "aja" means nor have i ever used it to motivate myself. Pero lately kasi i've been losing hope due to frustrations brought about by a number of failures i have encountered.

I remember two days ago, i was planning to write about something a little negative about UP. Sabi ko, hindi naman ako pinatalino ng UP. In other words, i have been thinking for the past few days that even if i did not study here in UP, would still have te same level of intelligence that i have now.

Pero nagbago na ulit isip ko. AJA na. Haha.

Magiging succesful din ako!

Magkakaroon ako ng magandang trabaho, maganda at solong office, sariling kotse, naka corpo attire everyday, at magiging BOSS!

Sunday, November 30, 2008

Bored to Death

Bored ako.

Walang magawa.

Better yet, di ko magawa

ang gusto ko. Nakakainis naman.

Dapat natulog na lang ako ng maaga.

Tuesday, October 28, 2008

The Cavitenyo is Back.


I missed Menela. I missed the sense of independence that it gives me.

Ang tagal ko ring nawala dito sa Menela. Dami ko tuloy realizations during those oh-so-bakasyon days.

Once again, i experienced how to think.

Quote from MRT Radio Station, "Alam nyo ba na ang taong madalas daw na mag-isa at malungkutin ay ang mga taong madalas na dinadapuan ng Alzheimer's disease?"


Natakot ako. Hindi para sa sarili ko, kundi sa mga taong naisip kong prone sa sakit na it. Scary.

Magpapasko na! Ilang araw na lang.



I love you very much Q. Happy happy birthday! Mwaah!

Wednesday, September 24, 2008

Quikie Update

Ang saya kahapon. Sobrang biglaan ang mga kasiyahang nagyari sa buhay ko. Biruin mo yon, sandali lang sana kaming mag-iinom ni Ian, pero dahil may nakita kaming mga dating kakilala, ayun, ang sandali ko, naging sandali-na-lang-umaga-nang-uwi.

Pero ang saya ng inuman na biglaan. Sobra. Wala pa akong inuman na biglaan, unplanned, o kaya first time encounters ang hindi naging masaya. Sana marami pang dumating na ganon!

**********

Bigla kong naisip, minsan, ang isang bagay, masaya lang sa unang pagkakataon. Sa pangalawa, hindi na ganoon kasaya.

*********

Ang saya talaga ng tapos na sa feasib. Malaya ko na itong masasabi dahil malamang naman lahat ng kaklase ko ay nakapasa na kanina ng feasib nila. Kaso marami pang paper. Pero ok lang, kaya naman yun.

Inspired ako ngayon. Pakiramdam ko kasi, ang galing ko. Haha. Blog ko ito walang pakialaman. Feeling ko ang organize ko. Ako kasi may contact dun sa CEO namin na iimbitahang pumunta sa school para sa isang open forum. Nakakatakot pero ginagawa ko naman ang lahat para walang bulilyaso.

Ginugulo pa rin ngayon ang isip ko ng porfolio sa 191 na pinapapasa ni Manuel...(oops baka mabasa niya, silent lang ako). Kailangan kasi creative depiction ng mga natutunan mo buong sem. Watdapak. Parang art class. Hindi ba niya alam lahat ng art projects ko simula nung nag-aral ako eh hindi ako ang gumagawa? Paker. Wala akong alam sa art maliban sa pag-awit at pag-sayaw. Pak talaga oo.

**********

Tinatamad akong gumawa ng Final paper sa 190. Binigyan kasi kami ng option na hindi gumawa ng paper, provided that your grade for that will be equivalent to 90% of your midterm paper. Eh 95 ako dun, so magiging 85 yung final paper ko. Chineck ko sa syllabus, 1.75 pa rin equivalent non! So ngayon, malapit ko ng maconvince ang sarili ko na wag na lang gumawa. Oh Lord, help me decide what's the best thing to do.

**********

Naisip kong maging thinker kanina habang nasa jeep. Kaya naman simula ngayon, pipilitin kong mga may laman naman ang isusulat ko dito. Maturity baga. Pero dahil madaldal talaga ako, may paminsan-minsang nonsense pa rin naman.



i love you Q! Namimiss ko na yung mga lambingan natin. Out of town na ulit tayo!

92 days na lang Christmas na! 69 days na lang, veinte anyos na ako!

Thursday, September 18, 2008

The Coldness of the Night

2:38 am September 18, 2008

Nalulungkot ako. Ang daming nangyayari ngayon sa buhay ko na parang ang bilis na nagsimula at natapos. Ni hindi ko man lang nalasap yung sarap o sakit na binigay nun sa buhay ko.

Nalulungkot ako. Hindi ako masaya. (Malamang, adik ka ba?)

Wag mo na akong awayin ng walang dahilan. Please wag mo nang painitin ang ulo ko kapag pinipilit kong maging good mood sayo. Wag ka na mang-away. Mag-adjust naman tayo.

Wag nyo akong iwan mag-isa. Bukod sa dilim, takot din akong maiwang mag-isa.

Ganun talaga ang buhay, i think. Wow biglang naging conio. Bahala na bukas. Matatapos din to. Magsesembreak na. Makakapagrelax na ulit ako. Makakausap ko na ulit ang sarili ko at malamang, magiging maganda na itong blog ko.

Wag mo akong awayin ng walang dahilan. O kung hindi man, sabihin mo kung ano ang ikinagagalit mo. Ayoko manghula. Tanga ako lalo na sa pag-iisip kung anong masama ang ginawa ko. Please naman. Wag mo namang pag sunod sunurin ang init ng ulo ko.

Saturday, August 23, 2008

A Moment to Calm Down

andito pa ako sa QC, sa Monday pa ako uuwi sa Cavite...


I’ve finally realized how life can be so customary. Dreaming big may not always seem so applicable. Then again, the challenge of standing out is always there. One just has to know where he’s great at, focus on it, live and die (through and) with it.

But what if knowing where you’re good at is a problem you just can’t resolve?

*******

Tapos na exam sa Spanish, pasado naman. Pero hindi yung tipong ipagmamalaki mo. Pero ayos na din yun, mabuti na yun kesa bumagsak. ¿Que desea? ¡Estupendo!

Exam naman sa GE 1 ang proproblemahin ko. Tangina. Sana ipasa ko naman itong subject na ito. Fuck you Paringit.

*******

Hindi ako tanggap sa MarkProf. Yun na.

*******

Nakakapanibago na ngayong mga lumipas na araw, parang nakalimutan ko na kung paano magpatawa. Hindi ako makaisip ng mga salitang ibabanat ko sa mga tao, at pagkatapos ay tiyak na pagtatawanan ito. Puyat pa rin ba ako? Labo. Hindi na ako puyat. Ilan bang oras ang kailangan ko para masabing hindi na ako puyat? Tangina. Para na akong tanga.

*******

Ang gulo ng BA Council ngayon. May nalalaman pa silang impeachment. Buti pa sa kanila, mabilis ang proseso ng impeachment. Sa bansa natin, matatapos na yung term, hindi pa maimpeach si Gloria. Tapos sa kanila, kung sino yung nagreklamo, sila din yung magdedesisyon kung ano ang hatol.

Complainant na estudyante: Nandaya ka sa exam! Lagot ka! Irereklamo kita!
Suspect na estudyante rin: Hindi ah! Magaling lang talaga ako. Magreklamo ka kung gusto mo!
Same complainant: Che! Tapang mo ha. O ayan, magdedesisyon ako na ibagsak ka sa exam!
Suspect ulit: Grrr… (sabay ang paglagas ng mga kilay niya).


Ano kayang pakiramdam ni Migs ngayon? Shit ang hirap siguro. Nakakahiya. Ano kayang sinasabi niya sa parents niya. Either way, after naman ng year na ito, and after graduation, ok na lahat. Magaling siya sa Marketing, kahit merong gusot sa leadership stint niya, macocompensate niya yun.

Teka, blog ko ito. Irelate natin sa akin.

Ako? May gusot din ba sa leadership stint ko? Wala naman, so far. Pero hindi rin ako magaling sa Marketing. Hindi ako magaling sa Finance. Hindi ako magaling sa kahit na ano. Kahit nga yung natitira kong kayabangan kung saan ako’y dating magaling, nawawala na.

Crisis na ba ito? Ang corny naman.

Graduate na siguro ako sa April. (“siguro” kasi ayokong masyadong maging confident) Ano na next step ko? Work. Saan? Ewan.

Nung Friday, tinanong ako ni Raish kung saan ko gustong magtrabaho. Sabi ko kahit saan. Sabi niya, aaahhh. Siguro sabi niya sa isip niya, yuck kadiri si Ace, wala pang target.

*******

Hindi ko alam kung saan ako magtratrabaho. Hindi na ako ganun ka confident. Ewan ko ba kung ano ang nangyari, pero parang yung self-esteem ko nawawala. Hindi na ako naniniwala ngayon na kapag UP graduate ka, amoy rosas na humahalimuyak ka. Maraming tatanggap na kompanya sa iyo. Trabaho ang lalapit sa iyo. Pero sa katulad ko (na amoy kampupot lang) na hindi magaling sa kahit na ano, walang connections, walang above average personality (super mega ultimate kaduper personality kasi ang meron ako), ganoon pa rin ba? Applicable pa rin ba sa akin ang kasong ito? Na ako ang lalapitan ng trabaho?

*******

Hindi ako matalino. (Magaling lang). Hindi rin ako gwapo. (Hot lang). Lalo namang hindi magaling communication skills ko. (Sa Spanish lang kasi ako fluent. ¡Hola! ¿Que tal?) Ano bang ipagmamalaki ko?



Magaling ako magpatawa. Strong ang personality ko. Magaling ako sumayaw, mag-ayos ng production, mag-polish ng steps, magdisiplina, magpasunod ng tao. Magiging stand-up comedian o newscaster kaya ako dahil dito? Dapat pala nag-MassCom ako.


*******

Ang haba na ng post, pero parang hindi pa rin ubos ang sasabihin ko. Tangina. Ang pangit ng post ko. Walang laman.




Gayunpaman, naninindigan ako na sa buhay ng tao,

1. Ang problema sa pag-ibig at sa pera ay napaka-cheap. Kadiri. Mukhang tanga. Isipin niyo kung bakit. Yun ay kung isip nga ang gumagana sa iyo, hindi puso. (sorry sa mga dukha at mga walang bf/gf)

Kung ganun? Alin ang hindi cheap at alin ang sosyal na problema?

2. Identity crisis. Need to achieve. Need to be popular.

Eto dapat ang pinuproblema ng mga tao. Kaso ang problema, paano nga ba lulutasin ito?

Kung sino mang nakaka-alam, pakisabi naman ang sagot sa akin. Pakisabi na rin ang sagot sa mga mahihirap na mahihilig tumaya sa lotto, sumali sa Wowowee at Eat Bulaga, at sa mga taga-probinsyang nakikipag-siksikan dito sa Maynila..