andito pa ako sa QC, sa Monday pa ako uuwi sa Cavite...
I’ve finally realized how life can be so customary. Dreaming big may not always seem so applicable. Then again, the challenge of standing out is always there. One just has to know where he’s great at, focus on it, live and die (through and) with it.
But what if knowing where you’re good at is a problem you just can’t resolve?
*******
Tapos na exam sa Spanish, pasado naman. Pero hindi yung tipong ipagmamalaki mo. Pero ayos na din yun, mabuti na yun kesa bumagsak. ¿Que desea? ¡Estupendo!
Exam naman sa GE 1 ang proproblemahin ko. Tangina. Sana ipasa ko naman itong subject na ito. Fuck you Paringit.
*******
Hindi ako tanggap sa MarkProf. Yun na.
*******
Nakakapanibago na ngayong mga lumipas na araw, parang nakalimutan ko na kung paano magpatawa. Hindi ako makaisip ng mga salitang ibabanat ko sa mga tao, at pagkatapos ay tiyak na pagtatawanan ito. Puyat pa rin ba ako? Labo. Hindi na ako puyat. Ilan bang oras ang kailangan ko para masabing hindi na ako puyat? Tangina. Para na akong tanga.
*******
Ang gulo ng BA Council ngayon. May nalalaman pa silang impeachment. Buti pa sa kanila, mabilis ang proseso ng impeachment. Sa bansa natin, matatapos na yung term, hindi pa maimpeach si Gloria. Tapos sa kanila, kung sino yung nagreklamo, sila din yung magdedesisyon kung ano ang hatol.
Complainant na estudyante: Nandaya ka sa exam! Lagot ka! Irereklamo kita!
Suspect na estudyante rin: Hindi ah! Magaling lang talaga ako. Magreklamo ka kung gusto mo!
Same complainant: Che! Tapang mo ha. O ayan, magdedesisyon ako na ibagsak ka sa exam!
Suspect ulit: Grrr… (sabay ang paglagas ng mga kilay niya).
Ano kayang pakiramdam ni Migs ngayon? Shit ang hirap siguro. Nakakahiya. Ano kayang sinasabi niya sa parents niya. Either way, after naman ng year na ito, and after graduation, ok na lahat. Magaling siya sa Marketing, kahit merong gusot sa leadership stint niya, macocompensate niya yun.
Teka, blog ko ito. Irelate natin sa akin.
Ako? May gusot din ba sa leadership stint ko? Wala naman, so far. Pero hindi rin ako magaling sa Marketing. Hindi ako magaling sa Finance. Hindi ako magaling sa kahit na ano. Kahit nga yung natitira kong kayabangan kung saan ako’y dating magaling, nawawala na.
Crisis na ba ito? Ang corny naman.
Graduate na siguro ako sa April. (“siguro” kasi ayokong masyadong maging confident) Ano na next step ko? Work. Saan? Ewan.
Nung Friday, tinanong ako ni Raish kung saan ko gustong magtrabaho. Sabi ko kahit saan. Sabi niya, aaahhh. Siguro sabi niya sa isip niya, yuck kadiri si Ace, wala pang target.
*******
Hindi ko alam kung saan ako magtratrabaho. Hindi na ako ganun ka confident. Ewan ko ba kung ano ang nangyari, pero parang yung self-esteem ko nawawala. Hindi na ako naniniwala ngayon na kapag UP graduate ka, amoy rosas na humahalimuyak ka. Maraming tatanggap na kompanya sa iyo. Trabaho ang lalapit sa iyo. Pero sa katulad ko (na amoy kampupot lang) na hindi magaling sa kahit na ano, walang connections, walang above average personality (super mega ultimate kaduper personality kasi ang meron ako), ganoon pa rin ba? Applicable pa rin ba sa akin ang kasong ito? Na ako ang lalapitan ng trabaho?
*******
Hindi ako matalino. (Magaling lang). Hindi rin ako gwapo. (Hot lang). Lalo namang hindi magaling communication skills ko. (Sa Spanish lang kasi ako fluent. ¡Hola! ¿Que tal?) Ano bang ipagmamalaki ko?
Magaling ako magpatawa. Strong ang personality ko. Magaling ako sumayaw, mag-ayos ng production, mag-polish ng steps, magdisiplina, magpasunod ng tao. Magiging stand-up comedian o newscaster kaya ako dahil dito? Dapat pala nag-MassCom ako.
*******
Ang haba na ng post, pero parang hindi pa rin ubos ang sasabihin ko. Tangina. Ang pangit ng post ko. Walang laman.
Gayunpaman, naninindigan ako na sa buhay ng tao,
1. Ang problema sa pag-ibig at sa pera ay napaka-cheap. Kadiri. Mukhang tanga. Isipin niyo kung bakit. Yun ay kung isip nga ang gumagana sa iyo, hindi puso. (sorry sa mga dukha at mga walang bf/gf)
Kung ganun? Alin ang hindi cheap at alin ang sosyal na problema?
2. Identity crisis. Need to achieve. Need to be popular.
Eto dapat ang pinuproblema ng mga tao. Kaso ang problema, paano nga ba lulutasin ito?
Kung sino mang nakaka-alam, pakisabi naman ang sagot sa akin. Pakisabi na rin ang sagot sa mga mahihirap na mahihilig tumaya sa lotto, sumali sa Wowowee at Eat Bulaga, at sa mga taga-probinsyang nakikipag-siksikan dito sa Maynila..
4 comments:
inaway mo pa ko! hahaha. may lead-in question kasi yung "ahhhh" ko, hindi ko lang natanong. :P and, katulad nga ng sabi ko sayo, VP and President of two orgs?? that won't go unnoticed by recruiters noh! hindi ba yun mapagmamalaki? :)
ay si raish pala to on my bro's account. hehe
haha. nagulat naman ako.
ei, hindi kita inaway ah. more like, inaaway ko sa rili ko for being such a loser. haha.
talaga mapapansin nila yun? i sooooooo hope so. hehe.
thank you very much raish!
lahat naman ata ng tao nafi-feel at one point (or more) in their life na di na sila confident or bumababa ang self-esteem. it's good to have an outlet for such a negative emotion. it will pass. ikaw pa ace, YABANG mo eh.
see you later! :)
Post a Comment