Tuesday, September 30, 2008

Second Sem Schedules

Since i so looooove you all and we really had a heck doing our feasib, PLEASE ENLIST:

1. BA 174 Marketing Research - I know, ***** masyado ******** si mam gamo. Pero uber taas nya magbigay ng grade. Madalas uno. so c'mon and get it!

2. BA 177 Product Management - Dont know much about this pero since wala na namang choice kundi mag major sa Marketing, eto na pinili ko.

3. BA 178 Spec Topics in Marketing Mngmt - Same reason as # 2. Hindi ko sure kung eto yung sales

4. BA 146 Spec Topics in Finance - Ian, Dianne, samahan nyo ako dito! Nica, i know.

5. PI 100 Sir Vlad Gonzales - Hindi ko alam kung paano ko kayo macoconvince dito. 5.30-7 sya, pero naging prof na namin sya ni anna sese sa MPs 10. Ayos syang prof. Magaling. Hindi masyado mahirap. Mataas pa grade. 1.25 ako, 1.00 si anna.

Eto yung table:

Time Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sunday
08:30 AM-11:30 AM
BA 177 TRU
BA 178 HRU


11:30 AM-01:00 PM

BA 146 WFV
BA 146 WFV

01:00 PM-02:30 PM
BA 174 THW
BA 174 THW


02:30 PM-05:30 PM






05:30 PM-07:00 PM
PI 100 THZ1
PI 100 THZ1



Sige na. Classmates na tayo sa last sem natin. Please?

86 days na lang Christmas na! 63 days na lang, veinte anyos na ako!

in fairness, ako yata pinakaunang nag-countdown. hmp!

Thursday, September 25, 2008

UP ABAM Yabang Pinoy Tara Sa Kalye Street Party

Inabot ako ng almost 4am kaka browse. Paker. Nonsense. But in the course of doing so, i discovered these photos from Cam's multiply. Katamad mag grab.

At eto pa!


UP ABAM EXECORE A.Y. 2008-2009 (all boys, boy din si emm!)



Complete Execore na



ABAMERS After The Party



Yung mga pics na cute ako lang ang kinuha ko. Pag pangit, scrap. Kami ulit (forever) ni Nica hosts ng event. Pero mukhang mapapalitan na kami ng bibang bibang buddy kong si Suzie!

Wednesday, September 24, 2008

Jeepney Driver

Bad trip talaga mga jeepney drivers. Makasarili.

Siguro naman napapansin nyo rin ito. Kapag halimbawa sasakay ka ng jeep, kapag pumara ka, (take note: kahit saan) makakasakay ka. Kahit pa traffic at napakadaming sasakyan sa likod ng jeep, pihadong titigilan ka nito dahil sayang naman ang dala mong P8.50.

Pero kung ikaw naman ang bababa, naku patay ka, kapag bawal bumaba dun sa pinarahan mo, magagalit pa yan sayo. Manlilisik ang mata nya, may pabulong bulong pa, pagmumukhain ka nya na wala kang pinag-aralan, dahil hindi ka marunong sumunod sa batas. Ikaw kasi eh. No unloading dyan.

Pati pag sa pamasahe. Kapag nagbayad ka ng P100, natural kapag malapit ka na bumaba o kaya medyo matagal ka nang hindi sinusuklian, itatanong mo yung sukli mo. Aba, syempre pa galit na naman si mamang tsuper. Hindi ka daw makahintay. Minsan nga kapag nakalimutan na nya na nagbayad ka, sasabihin pa nya na naibigay na nya sukli mo. Ang ending, mapapahiya ka sa mga kasabay mo dahil mukha kang sabik sa pera o kaya naman nagwa- 1,2,3 ka. Galing talaga!

Para rin namang sa MRT, kapag nakasakay ka na at bababa ka sa isang station, galit na galit ka dahil sumasakay na agad sila eh hindi ka pa nakakalabas. Pero pansinin, kapag ikaw naman ang nasa labas, kebs ka lang kung may lalabas. Ang importante sayo eh ang makasakay ka. Galing naman!

Pero jeep drivers ang bida ko ngayon kaya balikan natin sila. Di ba nagtaas ng pamasahe dati dahil tumaas ang presyo ng langis? Aba, hindi ba't nakailang strike sila para itaas ang pamasahe? Atat na atat silang itaas ang pamasahe kahit pa last week lang eh nagtaas sila. Pero ngayon, medyo bumababa na ang presyo ng langis kumpara sa dati. Pero anong maririnig mo sa kanila? "Basta driver, sweet lover". Ang saya. Makapag strike rin kaya.

Hindi ako galit sa drivers. Tanga lang siguro ako dahil hindi ko sila naiintindihan. Tanga din sila dahil hindi nila tayo naiintindihan.

**********

Simula ngayon, babaguhin ko na ang image ng blog na ito. Puro observations na lang ilalagay ko. Hindi na tungkol sa pagiging emow ko dahil ang baduy nun.

Quikie Update

Ang saya kahapon. Sobrang biglaan ang mga kasiyahang nagyari sa buhay ko. Biruin mo yon, sandali lang sana kaming mag-iinom ni Ian, pero dahil may nakita kaming mga dating kakilala, ayun, ang sandali ko, naging sandali-na-lang-umaga-nang-uwi.

Pero ang saya ng inuman na biglaan. Sobra. Wala pa akong inuman na biglaan, unplanned, o kaya first time encounters ang hindi naging masaya. Sana marami pang dumating na ganon!

**********

Bigla kong naisip, minsan, ang isang bagay, masaya lang sa unang pagkakataon. Sa pangalawa, hindi na ganoon kasaya.

*********

Ang saya talaga ng tapos na sa feasib. Malaya ko na itong masasabi dahil malamang naman lahat ng kaklase ko ay nakapasa na kanina ng feasib nila. Kaso marami pang paper. Pero ok lang, kaya naman yun.

Inspired ako ngayon. Pakiramdam ko kasi, ang galing ko. Haha. Blog ko ito walang pakialaman. Feeling ko ang organize ko. Ako kasi may contact dun sa CEO namin na iimbitahang pumunta sa school para sa isang open forum. Nakakatakot pero ginagawa ko naman ang lahat para walang bulilyaso.

Ginugulo pa rin ngayon ang isip ko ng porfolio sa 191 na pinapapasa ni Manuel...(oops baka mabasa niya, silent lang ako). Kailangan kasi creative depiction ng mga natutunan mo buong sem. Watdapak. Parang art class. Hindi ba niya alam lahat ng art projects ko simula nung nag-aral ako eh hindi ako ang gumagawa? Paker. Wala akong alam sa art maliban sa pag-awit at pag-sayaw. Pak talaga oo.

**********

Tinatamad akong gumawa ng Final paper sa 190. Binigyan kasi kami ng option na hindi gumawa ng paper, provided that your grade for that will be equivalent to 90% of your midterm paper. Eh 95 ako dun, so magiging 85 yung final paper ko. Chineck ko sa syllabus, 1.75 pa rin equivalent non! So ngayon, malapit ko ng maconvince ang sarili ko na wag na lang gumawa. Oh Lord, help me decide what's the best thing to do.

**********

Naisip kong maging thinker kanina habang nasa jeep. Kaya naman simula ngayon, pipilitin kong mga may laman naman ang isusulat ko dito. Maturity baga. Pero dahil madaldal talaga ako, may paminsan-minsang nonsense pa rin naman.



i love you Q! Namimiss ko na yung mga lambingan natin. Out of town na ulit tayo!

92 days na lang Christmas na! 69 days na lang, veinte anyos na ako!

Monday, September 22, 2008

Feasib Is Over

FEASIB IS OVER

Hopefully maganda yung output namin pati yung turnout ng defense. Hindi ko pa nababasa yung final outline kasi hindi ako kasama sa nag compile kaya hindi ko muna ipagyayabang kung impressive.

**********

Zesto
O, zesto, paano ba kita ibebenta? Paano kita babayaran? Bili na kayo ng tatlong case ng Zesto in Can! Comes in different flavors! Masarap! Yummy!

ANGKAN Tickets
O, Narnia. Bakit ba ang pangit mo? Hindi ko tuloy mabenta. 120 pesos mawawala na lang sa akin ng walang dahilan.

Utang
O, utang. Sino ba gumawa sayo? Ang bilis mo dumami.


**********

Pictorial kanina ng ABAM. 1 free photo to be included sa yearbook. Hippie look ang theme ng ABAM. Nainis lang ako. Mukhang tanga.


**********

Gagayahin ko si Nica...
Konti na lang, sembreak na!

BA 173 Final Paper
BA 190 CEO project
BA 190 Case Writing
Span 11 Final Exam
GE 1 Lab Exercise
GE 1 3rd Exam
GE 1 Final Exam
BA 129 Feasib Presentation
BA 191 ang dami pa!

**********

Tinanong ako kanina ni Caloi,

Ace, anong pakiramdam ng tapos na sa feasib? Feeling graduate ka na?


Sabi ko,

Wala. Hindi rin kasi ang dami pang final paper.


Nung sinabi ko yun, parang bigla lang lumabas sa bibig ko. Para bang gusto ko lang icomfort sya kasi next sem pa sya mag-fi-feasib.

Pero ngayon narealize ko,

Tangina! Ang dami pa nga palang requirements bago mag sembreak!


ARGH!

94 days na lang Christmas na! 71 days na lang, veinte anyos na ako!

Thursday, September 18, 2008

The Coldness of the Night

2:38 am September 18, 2008

Nalulungkot ako. Ang daming nangyayari ngayon sa buhay ko na parang ang bilis na nagsimula at natapos. Ni hindi ko man lang nalasap yung sarap o sakit na binigay nun sa buhay ko.

Nalulungkot ako. Hindi ako masaya. (Malamang, adik ka ba?)

Wag mo na akong awayin ng walang dahilan. Please wag mo nang painitin ang ulo ko kapag pinipilit kong maging good mood sayo. Wag ka na mang-away. Mag-adjust naman tayo.

Wag nyo akong iwan mag-isa. Bukod sa dilim, takot din akong maiwang mag-isa.

Ganun talaga ang buhay, i think. Wow biglang naging conio. Bahala na bukas. Matatapos din to. Magsesembreak na. Makakapagrelax na ulit ako. Makakausap ko na ulit ang sarili ko at malamang, magiging maganda na itong blog ko.

Wag mo akong awayin ng walang dahilan. O kung hindi man, sabihin mo kung ano ang ikinagagalit mo. Ayoko manghula. Tanga ako lalo na sa pag-iisip kung anong masama ang ginawa ko. Please naman. Wag mo namang pag sunod sunurin ang init ng ulo ko.

Wednesday, September 17, 2008

ORGPRES and Other Matters

OrgPres THREEpeat.

Original Philippine Music (remember mga kababayan ko, and my spaghetting pababa?)
Fairy Tale (who will forget Marina and Kampanerang Kuba?)
Hollywood Blockbuster (i wonder if now it'll be carved in our minds forever)

Whatever theme they choose to have, we are the team who will always be glad.

Pinilit mag-rhyme.

Galing ng UP ABAM now with UP JFA!

Three years, kaya mo yon? Sorry. Kami lang may kaya non.

I feel so touched and so proud of our applicants, other juniors, and my fellow seniors who all really gave their best shots. So proud of Oskie, who experienced utmost pressure from me and my co-officers. I must admit that i envy his patience. Wish i could have those, one of these days. So proud of you too Buddy Suzie!

I should say, my hurtful words (mga galit mode) helped in the success (Quoting ABAM juniors). It was all worth it. I just hope i still have their respect and that no one talks evil words behind my back.

Unfortunately, only hoping that it would always be the case is my only alas. I can do nothing but hope that all my ill-mindedness (is there such a word? i guess that best describes me) will soon bring success.

Feasib is now in progress. I am thinking that i should i thank my very (insert the worst adjective of bad that you can think of) attitude. Forgive me but i think that if i hadn't done that, i, he and we wouldn't have learned our lesson.

On the other hand, they say that all good things always happen along with bad occasions. I'm afraid, that bad occasion i am referring to translates to me losing a friend.

I have no regrets though. He's done bad, i've done bad (probably worse) and now we're even.

If you can just imagine how affected i was.

Anyway, 99 days before CHRISTMAS!