Affected ako sa last lecture ni Sir Acedera sa 177 last tuesday. Nakakainspire yung B.H.A.G. framework nya (Big, Hairy, Audacious Goals).
Ever since naman na makilala ko siya, nainspire na ako. Galing syang province (gaya ko), scholar (gaya ko), and a very ambitious hardworker (hmm, di yata ako).
Tawa ako ng tawa nung sinabi niya na kinikilabutan pa rin sya hanggang ngayon kapag pumupunta sya sa Makati. Yuck, so me. Haha. Ganun din pakiramdam ko kapag bumababa ako from MRT Ayala Station nang naka-corpo attire.
Gusto ko ring gawin yung B.H.A.G. ni sir. Pero kailangan nun ng sobrang taas na pangarap at motivation at sipag to achieve the goals.
Dahil dyan, kailangan ko ring maging masipag!
No comments:
Post a Comment