Sunday, August 17, 2008

devirginized



My first post!

3 Bagay na tumatakbo sa isip ko...
  1. Gusto ko lang subukan kung maaalis ng pag-bloblog ang boredom ko. Hindi naman talaga ako magaling sumulat. Lalo na mag-english. Ang alam ko lang ay yung mga english sa business world. Yung tipong direct to the point at hindi kailangan adjectives to vividly describe a situation.
  2. Nainggit ako sa mga kaibigan ko na may blogger. Mahilig kasi ako magbasa ng mga blog nila tuwing bored ako. Eh dahil wala akong blogger, gumawa na rin ako at last. Ganyan talaga ako maiinggit, nanggagaya.
  3. Nahihiya ako malaman ng ibang tao na may blog ako. Baka kasi isipin nila na emo ako o kaya naman sabihin nila na wala namang kwenta ito. Actually, hindi ko nga ba alam kung bakit ko ginagawa itong first post ko eh wala nman ako sa mood magsulat.

Fallacies about Vitamin C
Masama pakiramdam ko ngayon. Hindi ko naman akalain na kapag umiinom ka ng vitamins C magkakasipon ka pa rin kapag naulanan ka. Eh anong silbi ng vitamin C? Ano yun lokohan? Paaasahin ka lang na protektado ka sa sakit lalo na sa sipon kapag umiinom ka nun? Che.


Pag-ibig sa Tinubuang Bayan
Uuwi pa ako sa Cavite mamaya. Tinatamad na ako dahil nga sa pesteng sipon ko, at sa pesteng mga gamit ko na dala ko kada linggo pauwi sa Cavite. Haay, kung hindi ko lang talaga mahal pamilya ko sa Cavite o kaya miss yung kapaligiran sa Cavite, hindi na ako uuwi.

Dormancy Period
Long weekend nga ngayon, (walang pasok ng Monday, Aug 18 - death anniv ni ninoy, na binago ni Gloria, saka Tuesday, Aug 19 - QC Day, Mabuhay ang Kyuseeeeee!), pero wala na naman akong gagawin ngayon weekend. Wala tuloy akong maiikwento sa blog kong maraming talinong nasasabi.

Jam packed ang schedule ko next week. Parang suman na sobrang igpit ang tali at halos lumuwa na ang laman nito mula sa nakabalot na dahon ng saging. Kung nahirapan ka intindihin ito, oh well, bobo ka. Hindi kita katulad na isang summa cum laude.

Aug 21

consumer behavior - assignment (na nakalimutan ko na kung ano, malamang mag-imbento na lang ako sa tuesday)
business policy - deadline ng midterm paper (transcription ng CEO interview na napakatagal ko ng tapos pero hindi ko talaga magawa)
espanyol - midterm exam. fucker ang haba haba nun. bawal pa gumamit ng dictionary eh kapag meron nga hirap pa rin ako sumagot. oras na para magkabisado ng mga salitang hindi ko alam ang ibig sabihin

Conclusion
Hindi naman pala masyadong jampack, mejo lang. Parang saging lang na pinagsiksikan sa stick ng banana que.

Pero may feasib pa kaming gagawin ng grupo ko at meron pang Tourbo marketing competition na sinalihan ako. Ewan ko sayo Mark! Ang pangit mo. Hindi mo ako tinanggap sa MarkProf. Che.

Maliligo na ako. Uuwi pa ako sa Cavite. Ang lakas ng ulan. Maliit pa naman payong ko. Hindi na ako iinom ng vitamin C.



3 comments:

Emm Enriquez said...

Suman at banana cue ka jan! Che!

ace.ricafort said...

Hindi naman required mag comment emm. Haha.

Emm Enriquez said...

bakit ba eh gusto ko magcomment! che

haha