Thursday, August 28, 2008

dilemma

Hindi ko kelan man naisip kung gaano kahirap ang maipit sa dalawang sitwasyon na pareho kong hindi gusto. Ang nagpalala pa dito, parang wala akong kawala at wala akong takas ni dahilan para umiwas sa mga ito.

Oo nga, ito ay bahagi ng isang responsibilidad. Pero meron din naman tayong tinatawag na pagod at kasawaan.

Sa totoo lang, hindi ko naman alam kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng pagod. Hindi ko kasi sigurado kung pagod ba talaga ako, o sadyang wala lang motibasyon na gawin ang mga bagay bagay.

Nahihirapan akong hanapin ang mga bagay na makakapag-akit sa akin na gawin ang mga bagay sa mundo. Hindi na katulad ng dati, madali kong nakukumbinsi ang sarili ko na gawin ang dapat. Sawa na ba ako? Nakakasawa ba talaga ang apat na taon sa kolehiyo at labing apat na taong pag-aaral?

Hindi ko kelan man naisip na darating ako sa ganitong punto. Na seryoso at nagpupumilit magpanggap na may laman ang sasabihin.

Gusto ko ulit makausap ang sarili ko. Ano ba ang problema ko? Hindi ko malutas dahil hindi ko alam kung ano ang ugat ng mga ito. Lalo namang hindi ko alam kung ano ang dapat gawin para mawala ito.

Gusto ko lang magpakasaya. Magkaroon ng oras para sa sarili, mag-isip, at tumawa mag-isa.

Kung naging artista siguro ako, o mayaman man lang, magiging madali sa akin ang mag-unwind. Hindi magiging mahirap sa akin ang hanapin ang sarili kagaya ng ginagawa nilang mayayaman.

Natatakot ako. Mukhang naliligaw ako. Pakiramdam ko ngayon ay parang isang batang naligaw sa Mall of Asia. Sa dami ng tao, hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang mama ko. Hindi ko naman alam kung nasaan ang paging counter, hindi ko maiipa-page ang hinahanap ko. Ang mas malala pa, hindi ko alam kung sino ba ang "mama" na hinahanap ko.

Paulit-ulit na lang akong nagdradrama. Hindi ko kasi alam kung ano o sino o alin o kung meron ba talaga akong problema.

Sabi ni Q, "you're just going through the stages". Sabi ko naman "bakit ang tagal ko namang magprogress?"

Gusto ko nang magbakasyon. Gusto ko ulit maging taumbahay. Gusto ko maging bum.

Ano gusto niyo maging, tamad o madaming ginagawa?

Dahil madami kong ginagawa, parang gusto ko na lang maging tamad. Gusto kong ma-hypnotize. Yung blanko na lang ang isip ko. Walang laman.

sa mga oras na ginagawa ko ito, magkausap kami ni Q...
Narealize namin, narealize ko, na nawawalan na ng challenge ang buhay ko. Alam ko na problema ko. Ang problema ko ngayon, wala akong problema.

Next on Better than a Jack of All Trades: Malaki kasalanan ko sa Kapatid ko.

3 comments:

sharry said...

baka c mama - ma ma my sharona!!!! hehe, oo na lam ko na corny! tama c Q friend, at you're not the only one..

sharry said...

o wat's up with nini nga pala??

ace.ricafort said...

thanks friend! ok naman siya.