Showing posts with label cebu. Show all posts
Showing posts with label cebu. Show all posts

Tuesday, February 1, 2011

FEB 1

Start nga pala ng Feb ngayon. Wag naman sanang buong Feb ko ganito. Not my day. Ayoko pa sana i-admit pero when it rains, it pours. Grabe. Baka bukas blessings naman. O kaya next month. Basta puro blessing ang sunod.

Sabi nga ng Aegis, "gulong ng buhay, patuloy tuloy sa pag-ikot, ngayon ako ay nasa ilalim, sana bukas nasa ibabaw naman"

Manila, pa-miss ka ha. Kaasar.

Naisip ko lang bigla, sana yung flight ko kanina to Manila from CDO na lang ang na-delay, nakasabay pa sana ako. Pero kawawa naman ang mga affected. Domino effect eh. Grabe.

Love you Q. Thanks for being there.

When the Jetsetter Talks Part II (with Update)

Napaka worth blogging ng experience ko today pero sobrang pagod ako mag-compose. Pero sayang ang story, kailangan mai-share. Mga taga-Twitter lang nakakabasa ng mga rants ko.

You see, may ite-train ako this time naman sa Iligan City, Lanao del Norte (last time sa Tuguegarao). To go there, dapat fly ka to CDO airport, then bus ride. So 6.10 ang flight ko kaninang umaga, 4.30am palang nasa airport na ako. Ayoko na ma-late eh. May history na ako sa CDO. Na-late na ako dati going to CDO from MNL, nagbayad ako ng 4000 from may personal money.

Dumating ako sa CDO ng mga 7.50am. 10am pa ang training pero cab na agad ako to Bus terminal (to Iligan) para hindi na ako malate. Kaso 2 hours pala ang travel. So 10.30 na ako dumating. Natapos ang training 12pm na. There's no way I can make it to my 2.20pm return flight.

Desperado na ako. Mababaliw na. Feeling zombie na nga ako, may added stress pa. So ang solusyon ko eh tumawag sa boss, i-explain ang nangyari, at humingi ng clearance na i-reimburse ng company ang rebooking. So pumayag sila. So okay na.

Pag dating ko sa airport around 3.30pm na, derecho ako sa ticketing. The only flight available to Manila is CGY-CEB-MNL - DADAAN PA NG CEBU! Worse is, 7.45pm pa alis sa CGY, 11.15pm pa alis sa CEB. 12.30am na ako darating sa manila! (as of this writing, nasa cebu pa ako).

Hindi lang yan ang stress. Around 5000 ang fare ko, pero 3500 na lang ang cash ko. Read this, walang ATM, hindi pwede credit card. WTF di ba? Saan pa may ATM? Sa SM CDO pa. Distance: Cubao to Ortigas.

Wow. Eh bago ako pumunta sa airport, dumaan na ako sa SM para mag withdraw, kulang parin. In short, nakailang balik pa ako. Imagine the stress.

Hindi lang yon. Anong oras pa lang? 4.30pm? Anong gagawin ko till 5.45 check in counter opening? WALA!!! So MEGA TUNGANGA TALAGA AKO.

Buti na lang nag-open na ang check in. Nag internet na lang ako. Gumaan na ang loob ko lalo na pag dating ko sa Cebu. Kaso nakakatakot ang night flight. Walang makita sa labas tapos ang lakas ng turbulence. So nakakapanic ng konti lang (syempre kunwari sanay na sanay na ako, hehe).

Tinext ko pa pala mga office mates ko na kasama ko sa Cebu. Sabi ko nag-iwan na ako ng footsteps sa Cebu (para sa pagpunta namin sa August), hanapin na lang nila.

Maganda ang Mactan Airport. Malinis ang CR. At ang smoking lounge, bawal magyosi ang hindi bumibili. Ah ganun pala ah, eh kung taehan ko kaya yang maganda nyong CR?

In fairness talaga, free na ang wifi, may mga units pa na pwede gamitin para mag net.

Yun na lang muna, napagod ako. Ikaw, mapapagod ka rin ba kung naexperience mo to? Boarding na to Manila! Manila, i missed you!!!

Question:

Sino na sa inyo ang nakatuntong na sa Luzon (Manila), Visayas (Cebu), at sa Mindanao (CDO, Iligan City) in just one day?


Update as of 02.01.2011 at 22:36,

Flight bound for MNL is delayed. ETD 00:20 ETA 01:25. Lord, have mercy.