Showing posts with label stressed. Show all posts
Showing posts with label stressed. Show all posts

Tuesday, February 1, 2011

When the Jetsetter Talks Part II (with Update)

Napaka worth blogging ng experience ko today pero sobrang pagod ako mag-compose. Pero sayang ang story, kailangan mai-share. Mga taga-Twitter lang nakakabasa ng mga rants ko.

You see, may ite-train ako this time naman sa Iligan City, Lanao del Norte (last time sa Tuguegarao). To go there, dapat fly ka to CDO airport, then bus ride. So 6.10 ang flight ko kaninang umaga, 4.30am palang nasa airport na ako. Ayoko na ma-late eh. May history na ako sa CDO. Na-late na ako dati going to CDO from MNL, nagbayad ako ng 4000 from may personal money.

Dumating ako sa CDO ng mga 7.50am. 10am pa ang training pero cab na agad ako to Bus terminal (to Iligan) para hindi na ako malate. Kaso 2 hours pala ang travel. So 10.30 na ako dumating. Natapos ang training 12pm na. There's no way I can make it to my 2.20pm return flight.

Desperado na ako. Mababaliw na. Feeling zombie na nga ako, may added stress pa. So ang solusyon ko eh tumawag sa boss, i-explain ang nangyari, at humingi ng clearance na i-reimburse ng company ang rebooking. So pumayag sila. So okay na.

Pag dating ko sa airport around 3.30pm na, derecho ako sa ticketing. The only flight available to Manila is CGY-CEB-MNL - DADAAN PA NG CEBU! Worse is, 7.45pm pa alis sa CGY, 11.15pm pa alis sa CEB. 12.30am na ako darating sa manila! (as of this writing, nasa cebu pa ako).

Hindi lang yan ang stress. Around 5000 ang fare ko, pero 3500 na lang ang cash ko. Read this, walang ATM, hindi pwede credit card. WTF di ba? Saan pa may ATM? Sa SM CDO pa. Distance: Cubao to Ortigas.

Wow. Eh bago ako pumunta sa airport, dumaan na ako sa SM para mag withdraw, kulang parin. In short, nakailang balik pa ako. Imagine the stress.

Hindi lang yon. Anong oras pa lang? 4.30pm? Anong gagawin ko till 5.45 check in counter opening? WALA!!! So MEGA TUNGANGA TALAGA AKO.

Buti na lang nag-open na ang check in. Nag internet na lang ako. Gumaan na ang loob ko lalo na pag dating ko sa Cebu. Kaso nakakatakot ang night flight. Walang makita sa labas tapos ang lakas ng turbulence. So nakakapanic ng konti lang (syempre kunwari sanay na sanay na ako, hehe).

Tinext ko pa pala mga office mates ko na kasama ko sa Cebu. Sabi ko nag-iwan na ako ng footsteps sa Cebu (para sa pagpunta namin sa August), hanapin na lang nila.

Maganda ang Mactan Airport. Malinis ang CR. At ang smoking lounge, bawal magyosi ang hindi bumibili. Ah ganun pala ah, eh kung taehan ko kaya yang maganda nyong CR?

In fairness talaga, free na ang wifi, may mga units pa na pwede gamitin para mag net.

Yun na lang muna, napagod ako. Ikaw, mapapagod ka rin ba kung naexperience mo to? Boarding na to Manila! Manila, i missed you!!!

Question:

Sino na sa inyo ang nakatuntong na sa Luzon (Manila), Visayas (Cebu), at sa Mindanao (CDO, Iligan City) in just one day?


Update as of 02.01.2011 at 22:36,

Flight bound for MNL is delayed. ETD 00:20 ETA 01:25. Lord, have mercy.

Thursday, June 18, 2009

All The Rant In The World

Speaking of rant, which i have seen from a friend's site, i think this should be the time na mag rant ulit ako.

Grabe, i feel so much stress!

Ilista ko nga mga nagpapa-stress sa akin:
1. Exam next Tue & Wed
2. Revalida next Fri
3. Binondo this Fri
4. Walang masyadong gimik
5. Di na nakikita ang mga friends

All this because of RCBC.

I know right. Dati lang masaya ako sa RCBC. Masaya pa rin ako. Stressed lang. Masaya mga officemates ko (yung iba) kaya ayos naman everyday life ko.

Pero stressed ako sa deliberation. Pressured ako maging topnotcher. Pressured na pumasa, in the first place. Pressure. Aha! Yan pala ang nagpapastress sa akin.

Daig ko pa sina nica na mga Law students. Paano na kaya kung ako nasa sitwasyon nila?

TINATAMAD AKOOOOO!

Haha.

Ngayon alam ko na ang sagot kung bakit ako nastre-stress. Tinatamad akong mag-aral ulit dahil palagi ako pagod pag dating ko ng bahay, inaantok pa palagi.

Shit.

Sabog na ako. Wag mo nalang basahin kung naaasar ka na. Outlet ko ito, hindi mo naman kailangan makialam.

Anyway, so, sa Tuesday, may exam kami tungkol sa Anti Money Laundering Act, saka sa Platform Banking System, saka Accounts Opening, saka Consumer Loans (Personal, Auto, Real Estate). Sa Wednesday naman exam sa Traditional Deposits, Cash Management Services, saka Card Transactions.

Ang dami. At tinatamad ako. God.

Paano na gagawin ko? Thursday na bukas. Sa friday, maghapon pa ako sa Binondo. Tapos Uwi ak sa Cavite sa sat, balik naman ng sunday. Bukas magprepresent pa ako sa client call. Na sana naman maging okay kasi dala ko ang name ng RCBC. Tapos next Friday, revalida ko na.

Couldn't it be more stressful, hectic, and pressuring?

Parang finals week lang nung college ang feeling ko ngayon. But unlike before, i can not afford to fail ANY subject. I can not repeat any course.

Good luck Ace! God bless you!

Thanks Ace.

Mas malakas pa yata ang effect ng self-reinforcement sa akin.

Tuesday, March 3, 2009

Para Akong Tanga

Naiinis ako sa sarili ko. Parang tanga.

1. Instead of doing the things that are due tomorrow. Nagbablog at nagbabasa ako ng blog ng iba for about an hour and a half.

2. Naiinggit ako sa classmates ko nung highschool. Parang relieved na yung feeling nila dahil tapos na thesis nila. Excited to graduate. Eh ako? Parang tanga, natataranta sa paghahanap ng trabaho. Ano ka ba Ace!

3. After reading one of my friends' blog, i realized why I feel so stressed right now - I DON'T HAVE ANYTHING TO LOOK FORWARD TO.

NAKAKAINIS! God, ACE! Wag ka ngang ganyan. Just focus on the small, bite-sizes details of your remaining college days!

SHET. (Haha.)