Bagay na bagay sayo.
Haha.
Babalik ka na ulit. Exciting.
Actually, excited ako. I don't know what awaits us, what awaits me. Pero excited ako.
Bahala na.
Basta babalik ka na.
Makikita na ulit kita.
Kung ano mang repercussions nito, bahala na. Basta ang alam ko, excited at masaya ako sa pagbabalik mo. At sa pagkikita nating muli.
_____
Nagi-guilty naman ako.
Totoo bang nagi-guilty ako? O tanga lang ako? O malandi?
Hindi ko alam God. I am really sorry. Parang dito ako masaya. Dito tumitibok ng mabilis ang puso ko.
L lang ba ito?
Hindi ko alam. I can not say for sure.
Basta gusto ko sana syang makita ulit. Mapasaya ko man lang ang sarili ko. Mapag laruan ko man lang ang damdamin ko. Mabuhay ko man lang ang EMO sa sistema ko.
_____
Hiniling ko saYo, God, na gabayan mo relationship namin - ilayo mo ako sa tukso, wag mong hayaang may magawa akong kasalanan, etc. Pero ito, parang gusto ko muling maranasan. Dito ako mukhang masaya eh. Dito ko nararansan yung excitement. Yung kaba, yung saya - yung masayang tibok ng puso. Sana pagbigyan mo ulit ako. Mukhang malulungkot naman ako ng sobra kung hindi ko mararanasan ito.
Alam ko naman na nasa tama syang pag-iisip. Ramdam ko. Walang mangyayari sa amin - today, tomorrow, wala kaming future. Basta masaya ako sa kanya - i hope masaya rin sya sa akin.
Namiss ko sya. Gusto ko lang God maranasan ulit yung ganitong klaseng saya - yung saya na nabibigay nya, yung kilig, yung kaba, basta lahat ng masaya.
_____
Darating ang panahon na babasahin ko ulit ito, at baka malungkot ako. Pwede akong maging masaya, pero mas malamang na malungkot ako. Kung ano man maramdaman ko, Im sure, it will contribute a lot to my personal well-being. So please let me experience this.
No comments:
Post a Comment