Showing posts with label busy. Show all posts
Showing posts with label busy. Show all posts

Friday, December 5, 2008

Last Semester

2nd sem AY0809, my supposedly last sem in college, doesn't seem to be exciting at all.

First off, Bacbacan 2 (Inter-BA org sports fest) is on Monday and... we're not ready. Not to mention back aches and... oh God. Basta nakaka stress mag lift, mag practice every night (though hindi naman ako palagi umaattend), nakakapagod overall.

I never liked Bacbacan 2. I dunno. Maybe because it is always scheduled too early, like only a few weeks after the start of 2nd sem. Eh feeling ko bakasyon pa rin ako. Bwisit. Dammit, para sosyal.

Because of Bacbacan 2, nauubos energies ko. I always feel like not doing my academic requirements. 177, 198, PI 100. Shet. Nakakatamad.

I just want to graduate. After that i won't need to think about my orgs, my acads, and i could get away from the busy UP life.

Ang sakit sa ulo. Sore head. Nakakapagod.

Tuesday, August 19, 2008

Busier than ever. Happy though.

Introduction

Ang sarap ng pakiramdam ng busy. Lalo na kung wala kang ginagawa. Kuha mo ba? Sa mga pagkakataong wala akong ginagawa, palagi kong sinasabi (for sure ikaw rin) na,

"Nakakatamad walang magawa..."

Ang labo di ba? Wala na ngang ginagawa pero tinatamad pa rin. Ang tao nga naman, hindi nakukuntento sa kung ano man ang meron siya. Pag busy, nagrereklamo na haggard. Kapg walang ginagawa, tinatamad.

Ang sakit sa ulo.


Buti na lang, ako, maraming gagawin. Sa dami nila, ay
oko muna silang mawala sa buhay ko. Kaya hindi ko muna ginagawa.

Pang-ubos Oras at Pagod


1. TOURbo Marketing.

TOURbo Marketing

Boost Tourism to the Next Level!

An Advocacy Campaign Contest for Philippine Wellness Tourism

The winning group takes home P20,000 in cash+++


Sexciting! Ang laki ng premyo kaya dapat manalo kami. Good luck team AWEsome! (Ace, Weng, Emm). Pag nanalo kami, makakabili na ako ng kalabaw para hindi na ako mag-aral at mag araro na lang ng lupa!



2. MarkProf Search for Top 25 Marketing Management Trainees



I
f you make it past the grueling screening phases you will become part of the 25 hand-picked individuals that will be given the opportunity to take part in a Marketing Leadership Bootcamp that will go on for 6 straight weekends [every Saturday]; FREE of charge.

Sosyal na undertaking ko ito. Pag natanggap ako dito, sabi nila, sigurado na ang trabaho ko. Bonus pa na marami akong malalaman sa marketing. Buti naman. Sa halos na apat na taon ko kasi sa UP, pakiramdam ko, wala namang nagbago sa akin. Hindi pa rin ako nag sa-"shine". Siguro nga kung makakalusot ako dito, ok na ako.

Nakakatawa yung screening process nila. Para kaming mga contestant sa starstruck o pinoy big brother na nag-aaudition. Hassle nga lang pag-aapply dito. Sana sulit din. Para naman maiahon ko na ang pamilya ko sa aming lugmok na kalagayan. (Makasali kaya sa Wowowee?)

Salamat pala Weng dahil binuhay mo ang pag-asang baka tanggap ako sa final screening. Sabi kasi nila Aug 16 announcement, eh walang nagtext sa akin. Kaya nalungkot ako. Yun pala inurong nila sa Aug 20. Bukas! Wee. Kaso nga lang, nakamove on na ako eh. Panibagong hamon na naman. Pano kung di ako matanggap? Magrarally ako!

3. Spanish midterms

Nakakakaba. Nakakapagpabagabag.

Nanggulo lang. Ang hirap siguro ng exam sa Spanish. Nakanang. Hindi ko alam ang gagawin kong pag aaral. Tapos yung napakawalangkwentang kong GE na Geodetic Engineering, exam na rin pala next week. Tang ina mo prof! Bobo ka! Pero mas bobo ako sa subject mo.


4. Starbucks meeting sa Gateway



Ang sarap ng feeling. Feeling sosyal ang lolo mo. May laptop at gumagamit pa ng wifi. Haha. Medyo pinagpawisan nga lang ako nung binayaran ko na yung mocha frap na binili ko. Ang mahal! Nakakapang-hinayang.


Samakatuwid

Masaya naman weekend ko. Ang sarap ng feeling. Kahit nasa Indang lang ako, refreshing naman. Relaxing pa. Namiss ko talaga bahay namin. pati kwarto ko dun. Gusto ko na ulit bumalik ng Indang. Gusto ko na ulit doon mag-aral.

Excited na ako mag-graduation pic. Syempre pa, ipagmamalaki ko ulit sa inyo ang poging-pogi kong picture. Next week na yata yun. Naku, wala pa pala akong pang downpayment. Bakit ganun, pag si Brad Pitt ang lilitratuhan, siya binabayaran? Bakit pag ako, magkasing sarap naman kami, ako pa magbabayad sa studio? Hindi ba nila alam na napakamahal ng mukha kong ito?

Q, wag ka na magalit. Bati na tayo ulit ha? love you.