Naisip ko lang ulit mag blog. Naknamputa buwanan kung ako ay makapag sulat. Hahaha!
Sobrang busy talaga eh. Ang dami ko na tuloy pera. Bagay na nga sa akin yung kantang Bed of Roses, pero Bed of Money ang version ko. Ganun kadaming pera. Yung tipong ang kumot ko eh pera, bedsheet ko eh mga new generation currency, tapos yung room ko, amoy pera ang airspray. Pag nagbabayo nga ako minsan, pera na lang din ang pinang-pupunas ko. Ganun na talaga kadami ang pera ko.
Pero busy man ako, eto yung tipo ng busy na ikapapasalamat mo sa Panginoon. Ang saya ng buhay ko, syempre ang saya ng trabaho ko eh. Dalawang personalities ang nailalabas ko - seryosong bank sales officer, at gagong DJ. Lakas maka-baliw lang.
-------
Sa RCBC, bilang product sales officer, nakakapunta ako kung saan saan. 2 weeks ago, 3 days akong nasa bicol. Wala man ako naka-doo don, eh masaya pa rin naman (o kaya naman bitter lang ako). Wala namang may itsura dun (Again, bitter ocampo).
Sa pag d-DJ, ibang klase ang saya. Hindi lang basta fame eh. Eto yung trabaho na demanding sa time (kasi nga weekends ko ang nasasacrifice), pero go pa rin ako. Hindi ako tinatamad pumasok, instead, lagi pa akong naeexcite. Nung sat nga lang, muntik ko ng ipagpalit ang quality time ko with my family dahil may guesting ang energy fm sa eat bulaga. Naglaro sila ng Pinoy Henyo. Pero dahil wala naman palang TF yun, mas pinili ko ang family time. Sayang nga lang hindi ako nakita sa TV. Eh di lalo sana akong sumikat nun. Dumami sana ang mga magkakagusto sa akin.
_______
Ang dami ko ding nakikilala sa mga trabaho kong ito. Mga taga ibang probinsya (marunong na ako ng konting Bicolano, Cebuano, Ilocano, o ha bilingual na ako), mga fans (OFWs, mga maids, security guards, taxi drivers) at mga artista-hin (NicoleHyala, Direk Andoy Ranay). San ka pa di ba? Pag si Piolo Pascual nagpa-picture at nagpa-autograph na sa akin, dun na talaga lalaki ang ulo ko.
________
Pero sa kabila ng lahat ng ito, isa lang ang hiling ko eh.
Yung magka-crush sa akin yung mga blogger na crush ko. Lintek naman kasi sa pang-e-AceNab sa akin eh. Akala mo kung sinong kagandahan (again, bitter lang).
Malaki na masyado ulo (Bitter ulit). Kung makapang-AceNab eh daig pa ang sikat na kagaya ko. Haha! Baka naman hindi lang talaga hot ang dating ko sa picture ko. Sige nga, magpapa-macho muna ako tapos katawan lang ang pic ko, walang mukha. Gusto nyo ba yun? Yun yata ang uso ngayon eh. Hipon. (Bitter pa rin)
Pero anong mas pipiliin mong maka-ano, yung maganda yung katawan pero pangit, yung maganda katawan pero bobo, o yung gaya ko (fishing is strictly prohibited)?
______
Malapit na magpasko. Hosting naman ang peg ko ngayon. Hehehe. Bed of Money, lapit lang kayo.
3 comments:
Kapag umuwi na ko ng Pinas eh target kong maging trabaho 'yang Bank Sales. LOL! Tuluy-tuloy lang ang pagba-blog kasi sayang talent. Sino bang crush mong blogger baka kakilala ko ireto kita.
onga. madaming kilala yan si gasul. marereto ka nyan. :P
hanggang ngayon di pa rin ako nakakapakinig ng show mo. magtwit ka sakin mag on-air ka na para makapakinig ako.
at ikaw na ang mayaman. manlibre ka naman!!!
@the gasoline dude Masaya maging bank sales. Pormal-pormal-an haha! Sino crush ko? Ikaw. LOL Reto mo sarili mo. LOL
@gillboard Finofollow mo naman ako sa twitter diba? Sinasabi ko naman dun. Sayang hindi mo pa napapakinggan eh ilang beses na kita nasiraan on air. LOL
Post a Comment