Showing posts with label energy fm. Show all posts
Showing posts with label energy fm. Show all posts

Thursday, December 8, 2011

The Birthday That Was

Ang ending, halos 20k ang nagastos ko. Parang debut ah. Eh ordinary 23rd birthday lang naman.


Ayun mga kaibigan, nag birthday ako nung Dec 4. Ni hindi mo man lang ako naisip batiin. May mga nakaisip nga na igreet ako, wala namang regalo. Haha.

I always feel special kapag birthday ko. Palaging heightened ang emotions. Pag may nag greet, ang saya saya ko. Pag may nakalimot, ang lungkot. Pag may nangyaring wala sa mga plano ko, na hindi ko ginusto, nakaka-depress. Bottomline, magnified talaga ang emotions ko pag december 4. Actually basta pumasok na ang month na december.

Itong birthday kong ito, kakaiba. Parang napaka-engrande. Dami kong celebration. Feeling ko tuloy, ang dami-daming nagmamahal sa akin. Weh, di nga? Feeling ko lang din, ang daming taong looking forward sa celebration ko. Hindi ko alam kung bakit sila looking forward, o baka assuming lang ako, o baka naman heightened pa rin ang emotions ko.

Pre-Celeb

Dahil Sunday ang birthday ko (Dec 4, 2011), I decided to hold a little pre-celebration kasama ang mga friends ko, sa isang bar dito sa QC. Sa Delish. Relax lang naman dun sa area. Mabait ang aming waiter na si Bambi, at wala akong masamang masasabi sa food, sa sounds, sa venue, sa cr. Okay naman.

Ang lalong nagpasaya sa akin doon eh ang pagpunta ng lahat ng mga loves ko. Andun mga HS classmates ko na talagang tinuturing kong friends for life. Hoy mga gago, sobrang saya ko nung pumunta kayo sa birthday ko. Ayan na ha, pinapalaki ko na ang mga ulo nyo. Haha.

A little backgrounder lang, simula ng magkatrabaho ako, lagi na akong nagpapainom dito sa Manila, kasama ang mga officemates ko. Pero yung mga highschool friends ko, never ko sila pinainom sa Manila kasi sa Cavite ko sila iniinvite para makipag-celebrate sa akin. Eh ang mga damuho, nagtatampo dahil kaya daw hindi ko sila sinasama sa birthday ko sa Manila eh dahil ikinakahiya ko daw sila. Kaya ayun, this year, kasama na sila. Sobrang saya. Andun sina Dan, Michelle, Harishna, Alaiza, Gaddi, Riznel, Tisoy, Sharry, Carla, at Liel. In fairness to them, ganun pa rin sila kaingay. At nung mga oras na nagrereklamo pa sila na konti ang order nila,

Ace: Okay, evaluation time na. Yung ituturo ko ngayon eh sila na lang yung invited pa sa Manila blowout ko next year. Ang hindi matawag, sa Indang na lang pumunta ha?
Alaiza: Bakit pag sa amin chicken skin lang inoorder mo, pag sa mga officemates mo, liempo?
Ace: Okay, sa Indang ka na next year ha?


Syempre, as usual andun ang mga office-loves ko. Never fails. Ang saya nyo kasama and definitely, thankful ako sa pagpunta nyo. Alam kong pagod tayong lahat nun. I am most especially thankful for the attendance of my Division Head, Sir Remo, and Department Head, Sir Em. I am deeply touched, honored, and overwhelmed with your presence. Akalain mo yun, nai-libre ko kayo. Haha.

Syempre ulit, Hello Adz! Sya lang college friend ko na nakapunta. Mas masaya sana kung pumunta sina Emm, Nica, Ian, Caloy, Tim, among others. Pero sabi ko nga kay Adz, talking to a college friend is always refreshing. It relived the youth in me.

Radio Fan

Hindi lang sa mga friends at relatives ko umikot ang birthday celebration ko. Syempre papahuli ba ang mga pangga ko?

Nakakatuwa talaga ang Japanese fan ko na si Kenn Suzuki. Pinapunta nya pa talaga dun sa station nung Dec 3 board ko yung wife nya at daughter nila. May dala silang 3 boxes ng brownies at 8 kirin beer-in-can. Nakakataba talaga ng puso. At ang mas nakapagpataba ng puso ko eh nung malaman ko, na sobra ko pala silang napapasaya linggo-linggo, at nung araw na pumunta sila sa station, eh todo ko na silang pinasaya. Pinabati ko pa sila on air. Baka kasi isipin ng ibang listeners eh imbento ko lang na may bisita ako sa station.

Pero ang pinaka-bongga talaga eh yung binati ko ng paulit ulit ang sarili ko on air. Isipin mo nga, pag DJ ka, sino ang babati sayo sa birthday mo? Eh di ikaw din! Tawang-tawa ako sa sarili ko nung binati ko ang sarili ko sa last talk ko, with matching background ng "Happy Birthday Sweet Sixteen". Medyo kinilig naman ako, kahit alam kong ako mismo ang bumati sa sarili ko.

Night Before

Dahil sabi ko nga heightened ang feelings ko pag birthday ko, ayun eh di nag-emote ako dahil sumapit ang Dec 4, 2011 12:00AM eh nasa byahe pa rin ako pauwi. Paano ba naman, 9pm na natatapos ang board ko pag Saturday, eh Novaliches pa yun, Indang pa ako umuuwi. Pero okay naman dahil pag dating ko sa bahay, gising pa sila at talagang binati nila ako ng Happy Birthday with matching una-unahan sa dala kong brownies. Nga pala, nag commute lang ako diba? Imagine na may dala akong 3 boxes ng brownies, 1 framed self portrait, at 1 box na may 8 cans of kirin beer. Dala ko yan from Novaliches, nag fx ako, tapos MRT, tapos bus, tapos trike. Imagine ang hirap ko. Past 12MN na yan ha. At birthday ko pa.

Morning

It's such a weird and happy feeling to wake up and hear your name greeted a happy birthday on air. Sobrang sarap ng gising ko nun. Nakakatouch ang mga DJ ng 106.7 Energy FM dahil nagising talaga ako sa mga greetings nila. Lahat ng Sunday jocks, binati ako. Shit. I feel so loved and important. Pag bigyan nyo na mga hayop - birthday ko.

The Day

Such a looooong (blogpost) birthday celebration. It started around lunch time, nung magising ako. Konti pa lang ang tao, kumain kami ng lunch. After ko maglunch, naligo na ako at paglabas ko ng banyo, habang naka twalya pa lang ako at bakat ang mga abs ko eh voila! ayan na ang mga bisita!

Although hindi sila ganun kadami, maingay naman. Samahan pa ng mga house music ko. Shet ang sarap dahil ang lakas ng sounds - kumakabog ang bahay namin, at ang pinakamasarap, walang makapag saway sa akin sa sounds ko - birthday ko eh.

Bandang 6pm, pack up na sa bahay, punta naman kami sa Kontiki sa Tagaytay. Bale mga 25 kaming lahat at mga 80% sa kanila eh first time (o bihira) lang makapunta sa mga bars o mga ganung gimikan. Ang sarap ng feeling ko nung nakita ko silang natatarantang magbihis, mag ayos, at lahat nagmamadali na akala mo eh malapit na mag close yung bar. Naisip ko nun, "Ang sarap nila tingnan, parang okay na rin na maubos pera ko, ang dami ko namang napasaya."

Habang nasa jeep kami (jeep talaga, best in probinsyano award goes to us), grabe lang ang ingay. Parang mga probinsyano talaga. Tapos umarte ako bigla na inaantok na at masama ang pakiramdam. Eh ako manlilibre, eto tuloy ang dialogue:

Ace: Parang ang sama ng lasa ko. Babalik na lang ako sa bahay.
Pinsan (natataranta kunwari): Uy ano ka ba. Anong masakit sayo? Eto o gusto mo ba ng masahe? (sabay tawa ng malakas na malakas)


Sumisigaw pa ako nung medyo malayo pa kami sa tagaytay nang "Wag mong sabihing radyo, sabihin mo..." at ang hindi sumigaw ng malakas, hindi kasama sa libre. Kaya naman umaalingawngaw na E-NER-GY! ang maririnig sa sasakyan. Tawa lang ako ng tawa.

Pinsan: Oy si me-ann, ang lakas ng sigaw ng energy. Takot na takot hindi mailibre.


At eto na nga, dumating na kami sa Tagaytay. Dun kami nag park sa walang masyadong tao. Jeep lang kasi dala namin. Mamaya nyan pag tumabi kami sa magagandang sasakyan tapos magkaron ng gasgas yun, o kaya mawalan ng kung ano, eh kami pa ang pagbintangang nagnakaw.

*****

Pag pasok naman namin sa Kontiki, kung anong ingay nila kanina sa jeep, ganun naman ang tahimik nila. Sobra silang nakakatawa, ni walang umiimik, tapos kapag nag-uusap sila, bulungan lang. Sobrang nakakatawa. Halata talagang hindi sanay. Syempre pinapaingay ko sila. Sumigaw ulit ako ng wag mong sabihing radyo, sabihin mo...

Pinsan: Ayoko nga. Nakakahiya.
Ace: Bakit naman? Bakit ang tatahimik nyo? Haha!
Pinsan: Syempre behave kami, baka hindi na maulit eh.


At naging tahimik nga sila hanggang sa medyo tamaan sila ng konti. Hindi naman sila nagwawala pero halatang masaya talaga sila. Kaya naman masaya na rin ako. Sabi ko pa nga sa kanila,

Ace: Uy! Mag-ingay kayo ng konti. English ng konti. Pag ganito kalaking grupo tapos tahimik, halatang probinsyano. Dapat mukha kayong sanay.

****

At nagtuloy tuloy na nga ang "party" ko. Nandung tinanong ng vocalist sino ang may birthday, syempre sinabing ako. At sinabi ring ako si Ace Nabero. At syempre, pinaakyat ako sa stage. May mga nakakakilala sa aking guest din, tapos yung bassist kilala rin ako. Nagperform tuloy ako ng mini-show. Nakakahiya lang kasi medyo lashing na ako nun. Haha.

****

Malaki binayaran ko dun sa Kontiki. Masakit talaga sa loob. Haha. Pero masaya naman sila eh. Looking forward na ulit sila sa next bday ko. Gusto ko na tuloy gawing engrande lagi bday ko. Pag iipunan ko every year.

Ang ending, halos 20k ang nagastos ko. Parang debut ah. Eh ordinary 23rd birthday lang naman.

Monday, October 24, 2011

Bitter Ocampo

Naisip ko lang ulit mag blog. Naknamputa buwanan kung ako ay makapag sulat. Hahaha!

Sobrang busy talaga eh. Ang dami ko na tuloy pera. Bagay na nga sa akin yung kantang Bed of Roses, pero Bed of Money ang version ko. Ganun kadaming pera. Yung tipong ang kumot ko eh pera, bedsheet ko eh mga new generation currency, tapos yung room ko, amoy pera ang airspray. Pag nagbabayo nga ako minsan, pera na lang din ang pinang-pupunas ko. Ganun na talaga kadami ang pera ko.

Pero busy man ako, eto yung tipo ng busy na ikapapasalamat mo sa Panginoon. Ang saya ng buhay ko, syempre ang saya ng trabaho ko eh. Dalawang personalities ang nailalabas ko - seryosong bank sales officer, at gagong DJ. Lakas maka-baliw lang.


-------



Sa RCBC, bilang product sales officer, nakakapunta ako kung saan saan. 2 weeks ago, 3 days akong nasa bicol. Wala man ako naka-doo don, eh masaya pa rin naman (o kaya naman bitter lang ako). Wala namang may itsura dun (Again, bitter ocampo).

Sa pag d-DJ, ibang klase ang saya. Hindi lang basta fame eh. Eto yung trabaho na demanding sa time (kasi nga weekends ko ang nasasacrifice), pero go pa rin ako. Hindi ako tinatamad pumasok, instead, lagi pa akong naeexcite. Nung sat nga lang, muntik ko ng ipagpalit ang quality time ko with my family dahil may guesting ang energy fm sa eat bulaga. Naglaro sila ng Pinoy Henyo. Pero dahil wala naman palang TF yun, mas pinili ko ang family time. Sayang nga lang hindi ako nakita sa TV. Eh di lalo sana akong sumikat nun. Dumami sana ang mga magkakagusto sa akin.


_______



Ang dami ko ding nakikilala sa mga trabaho kong ito. Mga taga ibang probinsya (marunong na ako ng konting Bicolano, Cebuano, Ilocano, o ha bilingual na ako), mga fans (OFWs, mga maids, security guards, taxi drivers) at mga artista-hin (NicoleHyala, Direk Andoy Ranay). San ka pa di ba? Pag si Piolo Pascual nagpa-picture at nagpa-autograph na sa akin, dun na talaga lalaki ang ulo ko.


________

Pero sa kabila ng lahat ng ito, isa lang ang hiling ko eh.

Yung magka-crush sa akin yung mga blogger na crush ko. Lintek naman kasi sa pang-e-AceNab sa akin eh. Akala mo kung sinong kagandahan (again, bitter lang).

Malaki na masyado ulo (Bitter ulit). Kung makapang-AceNab eh daig pa ang sikat na kagaya ko. Haha! Baka naman hindi lang talaga hot ang dating ko sa picture ko. Sige nga, magpapa-macho muna ako tapos katawan lang ang pic ko, walang mukha. Gusto nyo ba yun? Yun yata ang uso ngayon eh. Hipon. (Bitter pa rin)

Pero anong mas pipiliin mong maka-ano, yung maganda yung katawan pero pangit, yung maganda katawan pero bobo, o yung gaya ko (fishing is strictly prohibited)?


______

Malapit na magpasko. Hosting naman ang peg ko ngayon. Hehehe. Bed of Money, lapit lang kayo.

Wednesday, August 31, 2011

Oh Shit! Ang Tagal Ah.

Kinakabahan ako sa gagawin kong ito. Nakakahiya naman kasi sa blog ko, ang tagal ko syang pinaghintay, kaya dapat bongga itong post na ito.

Ang tagaaaal kong hindi nakapag sulat dito. Ang tagal kong hindi nakapaglabas ng sama ng loob at saya dito. Ang tagal ko na ring inisip o ginusto na magpost ulit dito, pero wala talagang drive eh. O kaya time. Basta ang tagal.

Itemize ko na lang kung ano ang mga ikwekwento ko sa sarili ko. (Malamang sa malamang, sarili ko lang ang kausap ko dito. Kung may magbabasa man nitong ibang tao, sigurado akong talaga lang minalas sya na walang importanteng bagay sa buhay nya sa mga panahong ito.)

1. May iPhone4 na ako.

Yes meron na. Eto na yata ang pinakamahal sa lahat ng gamit ko. And come to think of it eto yata ang pinakamahal kong nabili sa sarili ko, most expensive possession ko. Maganda talaga sya. Sobrang sosyal ng dating. Ang dami pang pwedeng gawin.

Bale June 28, 2011 sya napasakamay ko. Kaya naman bagong bago pa talaga sya. Sobrang ganda. I must say. Nakakatuwa.


2. Alam nyo na to, DJ na ako.

Sino ba namang hindi makaka-alam sa lahat ng kakilala ko na si DJ Ace Nabero na ako tuwing Sabado (6-9pm) at Linggo (3-6pm) sa kanyang programang pinamagatang Ace Breaker sa 106.7 Energy Fm.

Masaya ang trabahong to, i must say again. Daldal lang ako ng daldal. Mahirap nga lang mag-isip ng nakakatuwang topic kasi depende dun yung type and dami ng mga responses mo. Pero mukhang gifted naman ako sa pag inject ng punchline, so lusot pa rin.

Masaya dahil may sweldo. Dami pang perks like facial, shirts, gym, tv guestings, a little fame and all. Although kung sweldo lang ang pag-uusapan, mahina. But since may work naman ako sa RCBC, okay na din na direcho sa savings ang ilan sa sinweldo ko from Energy FM.

Nakakamiss lang talaga ang mga weekends dahil sa trabaho ko sa Energy. Pero well-adjusted na ako eh. Sobrang enjoy ko nga dun sa loooong weekend (Aug 27-30, 2011). Solve solve na yun.

3. Product Sales Officer - Asst Manager Rank

Oh yeah! Mukhang natutupad ang prediction ko from this blogpost ah. Na-promote ako last July 1, 2011 from a JAM rank to an AM rank. Ayos. Pero wag masyado ma excite magpalibre, hindi naman ganun ka bongga ang itinaas ng sweldo ko. Swak lang.

Kami lang ni Elaine ang na-promote from our Management Trainee batch. Katuwa. Gusto ko mang ipagyabang sa kanila eh hindi ko magawa una dahil hindi ako kasing immature nina (you and I), 2nd hindi naman ako ganun ka yabang. Sa mga ka-close ko lang ako mayabang. Pag di tayo close, di ako magyayabang. Kaya kung sabi mo mayabang ako, aba feeling close ka!

4. Ang dami ko nang napuntahang lugar

I feel extremely blessed by God. Sobrang ang daming magandang nangyari sa akin simula nung mapasok ako dito sa RBG. Ang dami ko nang napuntahang probinsya, nakaing pagkain, nakilalang tao, at nabentang produkto. Masaya maging taga-sales. Masaya.


Yan na lang muna. Ang dami ng oras na sinayang ko para lang masulat to. At least nakulayan na sya ulit no. Pero pakiramdam ko, pilit pa rin tong post na to eh. Hindi kagaya dati na free flowing ang thoughts at halos nanginginig pa ang mga daliri ko sa pagtipa sa mga letra ng laptop.

Mas active ako sa twitter ko. Follow nyo lang twitter.com/hottestbanker. Nag-iisip nga akong gawing twitter.com/AceNabero na lang kasi ayoko magmaintain ng separate account for Ace Nabero. Saka mas maganda siguro kung mababasa nila yung mga sinasabi ko sa twitter kasi yun totoo eh. Walang pag iimbot. Pak!

O pano, gagawa pa ako ng call report na last week ko pa dapat nagawa. Sa Byernes punta akong Pangasinan.

P.S.

Hi pilyokerubin at duxx at wanker!