Showing posts with label macho. Show all posts
Showing posts with label macho. Show all posts

Monday, October 24, 2011

Bitter Ocampo

Naisip ko lang ulit mag blog. Naknamputa buwanan kung ako ay makapag sulat. Hahaha!

Sobrang busy talaga eh. Ang dami ko na tuloy pera. Bagay na nga sa akin yung kantang Bed of Roses, pero Bed of Money ang version ko. Ganun kadaming pera. Yung tipong ang kumot ko eh pera, bedsheet ko eh mga new generation currency, tapos yung room ko, amoy pera ang airspray. Pag nagbabayo nga ako minsan, pera na lang din ang pinang-pupunas ko. Ganun na talaga kadami ang pera ko.

Pero busy man ako, eto yung tipo ng busy na ikapapasalamat mo sa Panginoon. Ang saya ng buhay ko, syempre ang saya ng trabaho ko eh. Dalawang personalities ang nailalabas ko - seryosong bank sales officer, at gagong DJ. Lakas maka-baliw lang.


-------



Sa RCBC, bilang product sales officer, nakakapunta ako kung saan saan. 2 weeks ago, 3 days akong nasa bicol. Wala man ako naka-doo don, eh masaya pa rin naman (o kaya naman bitter lang ako). Wala namang may itsura dun (Again, bitter ocampo).

Sa pag d-DJ, ibang klase ang saya. Hindi lang basta fame eh. Eto yung trabaho na demanding sa time (kasi nga weekends ko ang nasasacrifice), pero go pa rin ako. Hindi ako tinatamad pumasok, instead, lagi pa akong naeexcite. Nung sat nga lang, muntik ko ng ipagpalit ang quality time ko with my family dahil may guesting ang energy fm sa eat bulaga. Naglaro sila ng Pinoy Henyo. Pero dahil wala naman palang TF yun, mas pinili ko ang family time. Sayang nga lang hindi ako nakita sa TV. Eh di lalo sana akong sumikat nun. Dumami sana ang mga magkakagusto sa akin.


_______



Ang dami ko ding nakikilala sa mga trabaho kong ito. Mga taga ibang probinsya (marunong na ako ng konting Bicolano, Cebuano, Ilocano, o ha bilingual na ako), mga fans (OFWs, mga maids, security guards, taxi drivers) at mga artista-hin (NicoleHyala, Direk Andoy Ranay). San ka pa di ba? Pag si Piolo Pascual nagpa-picture at nagpa-autograph na sa akin, dun na talaga lalaki ang ulo ko.


________

Pero sa kabila ng lahat ng ito, isa lang ang hiling ko eh.

Yung magka-crush sa akin yung mga blogger na crush ko. Lintek naman kasi sa pang-e-AceNab sa akin eh. Akala mo kung sinong kagandahan (again, bitter lang).

Malaki na masyado ulo (Bitter ulit). Kung makapang-AceNab eh daig pa ang sikat na kagaya ko. Haha! Baka naman hindi lang talaga hot ang dating ko sa picture ko. Sige nga, magpapa-macho muna ako tapos katawan lang ang pic ko, walang mukha. Gusto nyo ba yun? Yun yata ang uso ngayon eh. Hipon. (Bitter pa rin)

Pero anong mas pipiliin mong maka-ano, yung maganda yung katawan pero pangit, yung maganda katawan pero bobo, o yung gaya ko (fishing is strictly prohibited)?


______

Malapit na magpasko. Hosting naman ang peg ko ngayon. Hehehe. Bed of Money, lapit lang kayo.

Thursday, September 3, 2009

I'm On A Diet Mode

Yeah Men.

It's September once again, which means new set of Cosmo Bachelors, and still, wala pa rin ako doon.

DREAM KO TO.

Mapasali sa cosmomen. Holy sh*t. Sana naman magkatotoo na itong dream ko.

Actually, may theme na ako. Since I am the hottest banker, kailangan nasa bank ang venue ng shot ko. Nakasandal ako sa vault, with all the money covering my you-know-what. In short, pera lang ang suot ko. Isn't that hot? Yeah men. And the subtitle would bear nothing else but "the hottest banker in town".

Kaya from this day on, meaning dinner on Sept 3, babawasan ko na rice ko for 12 days. Bawas meaning half na lang. Minus all the carbs (as much as i can, sa rice ako strict), sweets, and oily foods. So that means till till Sept 15 yun.

By Sept 16 breakfast to Sept 17 dinner, back to normal na ang carbs at rice pero hindi lamon.

By Sept 18 breakfast till 30. no carbs at all.

October 1, back to normal. Oct 2, no carbs at all.

Hanggang masanay ako na less carbs na lang.

Na-inspire ako ni Sir Richard, isang RM sa RCBC. Macho nya dati. Eto daw yung diet nya dati. May term syang ginamit kaso nakalimutan ko na. Dati yun kasi ang taba taba na nya ngayon, sana di nya mabasa, pero dahil tumanda na sya, ayun lumobo na. Ayoko naman maging ganun!

Tapos by January, gym na ako. Slimmer's or Fitness depende kung mayaman ako.

Sabi kasi ni Raish, dapat both, exercise and diet, para maging sexy. Bubuhat ako ng weights para maging macho.

Try ko na rin mag stop mag yosi by hmm November? Tapos yung inom, mga once a week na lang dapat.

Okay gagawa na ako ng check list:

Sept 3 - Sept 15 Lessen Rice and other carbs
Sept 16 - Sept 17 Back to normal
Sept 18 - Sept 30 No carbs at all
Oct 1 Back to normal
Oct 2 No carbs


Huhuhu. May dare pa naman sa akin si Anabee Alingog last year, dapat daw mag gym na ako tapos inonominate nya ako sa Cosmomen 2009.

EH ANONG NANGYARI?

NAKAKALUNGKOOOOOOT!


Kaya etong post na ito ang magiging inspiration ko. ;)