Good day!
Blogging ulit ako. Wala namang masyadong ginagawa dito sa office. Or magaling lang talaga akong magpanggap na busy – sobrang convincing.
Grabe ang antok ko. 3.30 am ako gumising today dahil galling pa ako sa Indang, Cavite. 3 hours ang travel from there to Makati. Reunion kasi naming kahapon kaya hindi ako nakabalik sa Manila yesterday. Sobrang saya ng reunion. Sobrang jolog at baduy kasi. Lasing lahat ng tao! Babae/Lalake/Bata(legal age)/Matanda lasing! Pinapakita lang nito na lasenggo talaga ang lahi namin. Sobrang tawa ako ng tawa kahapon pag nakikita ko silang mga lasing. Lugi sila sa akin, hindi na kasi ako masyado uminom kahapon dahil galing pa ako sa inuman nung Saturday ng gabi. Masama pa ang pakiramdam ko kahapon.
----------------0------------------------0------------------------------0------------------------------0-----------------------------------0---------------------------0--
Creative ba yang separator ko? Hehe. Nakita ko lang yan sa notebook ng isang boss ditto. Na-inspire ako kasi ang organize pa rin ng notes nya. Parang student pa rin. Sa mga ganitong panahon talaga ako nakakaramdam ng low self-esteem. Naiinggit ako sa kanila. Ang sisipag kasi nila eh. Seryoso pa sa work. Eh ako? Haha. Sweldo lang yata at rank ang habol ko dito.
Maganda yung realization ko kagabi while I was busy tutoring my sister on the concept of the time value of money. Imagine naalala ko pa yun, galing ko talaga. Hahaha! Nahirapan ako kung paano ko ituturo sa kanya yung concept so gumamit ako ng mga pang layman lang na terms. Sana naintindihan nya naman. Hindi kasi kami pareho ng wavelength ng kapatid ko. Pero anyway, may narealize nga ako sa tutor session namin kahapon – gusto ko ng nag-iisip. Nasarapan ako sa thought na nag-iisip ako, na idealistic ako, naglalaro ang utak ko sa numbers, concepts, strategies, etc.
Na-miss ko mag-isip ng malalim, maging critical, at mag-aral. Sa ngayon kasi, ang tamad tamad ko nang mag-isip. Nakakainis. Parang nakakabobo ang trabaho ko. Kahit kasi pa-travel travel ako, meeting a diverse group of people, and maraming exposures, may pagka-repetitive at monotonous ang work ko. Paulit-ulit lang ang sinasabi ko, ang binebenta ko, yun at yun lang din. Nakakatamad. Pero alam kong masamang ugali ang katamaran kong ito. Dapat kasi ako mismo ang nag-iisip at gumagawa ng paraan kung paano ko mapapasaya ang araw ko sa pagbebenta at kung paano ko mai-aangat ang sarili ko sa kanilang lahat. Gustong gusto ko ma-promote agad pero parang hindi ko naman maramdaman na nagsa-shine ako. Parang ang bilis ko kasi nagsawa dito sa trabaho ko. Wala kasing masyadong isip factor, tapos puro daldal. Pero yung sa daldal part, gusto ko naman yun. Kaso yun nga lang, hindi nae-exercise and brain muscles ko. Hindi kagaya dati, nung college pa ako, kung tatanungin mo ako ng magandang marketing strategy o kaya promotion, ang bilis ko makaka-isip. Ngayon naman, grabe, kung hindi wala akong maisip, ang pangit at ang daming flaws ng naiisip ko.
Anong nangyayari sa akin? Gusto ko na ulit mag-isip! Gusto ko maging product/brand manager. O kaya branch manager – pero sales din to eh. Gusto ko kasi yung tipong nag-iisip how I can help grow the enterprise. I want to see the whole picture – how my actions will affect the enterprise, how my decisions can improve profitability. Sa sales, walang ganun eh. Kung meron man, hindi ko alam kung paano i-aapply. Ikaw, alam mo ba? Turuan mo nga ako.
-----------------------------0-------------------------------------0----------------------------------0----------------------------------------0--------------------------
Ayos na to. At least may post na ulit ako. May dagdag na akong mababasa during my idle time. Ang bagal kasi magupdate ng blog na mga finofollow ko eh.
No comments:
Post a Comment