Monday, September 12, 2011

Tao din naman Sila

Nakakita na ba kayo ng artista? Nagpapicture/autograph ba kayo? If yes, eew baduy. (Haha! Blog ko to, walang kontrahan.)

Natutuwa lang talaga ako ngayon kaya ako napa blog ulit. Walang structure to, sabog lang. Ilalabas ko lang lahat ng sinasabi ng utak ko. Bihira lang to eh. Pero wala kayong mapupulot na aral. Enjoy lang. Malalaman nyo maya-maya lang kung bakit ako natutuwa.

Bago ang lahat, naniniwala akong ang blog eh 3 bagay lang:

1. Isa itong channel kung saan nailalalabas ng manunulat ang kanyang emosyon, opinyon, at kung ano ano pang kuro-kuro.
2. Maari ring sabihing ito ay para sa mga taong walang magawa.
3. Higit sa lahat, hindi pwedeng wala kang oras pagdating sa blogging. Kung hindi, eh wala kang mababasa o maisusulat.

Pagkatapos kong i-enumerate yung tatlo sa taas, aba, eto ako't nalungkot ulit.

Hindi na kasi gaya ng dati na ang dalas dalas kong magsulat. Ang ingay ingay ng utak ko. Bawat pagharap ko sa laptop, blog agad nasa isip ko. At in fairness, may sense yung mga nauna kong posts ah. May sense na, may humor pa.

Pero ngayon, wala naaaaaaa?!

LOL

*******
Gusto ko na ulit maging estudyante. Gusto ko ng mag enroll sa MBA. Kaso tight pa ang budget, kailangan pa matapos ni sister sa college bago ko mapag-aral ulit ang sarili ko. Pero excited na ako! Gusto ko na ulit magbasa ng magbasa, makipag-argue sa class, maging top sa exam (haha!), magpresent sa harap ng class, at makakuha ng mataas na grade. May cum laude cum laude rin ba pag MBA? Pak!

Maiba lang ako.

********
Ang tunay na dahilan lang talaga kung bakit ako nagsulat ulit dito eh dahil tuwang tuwa talaga ako dahil dalawa sa mga blogs na nasa blogroll ko sa kanan eh napadaan dito at binasa yung nauna kong post, at nagcomment pa!

Natuwa talaga ako dahil sa twing binabasa ko yung blog nila, ang pakiramdam ko eh hindi sila tao. Haha. Kumbaga parang mga artista, feeling mo hindi sila tao. Gaya ng mga author ng mga librong binabasa ko - walang relationship between them and I. Tapos ngayon, bigla na lang one day, makikita ko na may comment galing sa kanila. Katuwa.

You see, silent reader lang ako sa blog kasi gaya ng feeling ko sa mga author ng librong binabasa ko, hindi sila tao. Kaya basa lang ako ng basa. Ni hindi nga ako nagcocomment. Pero basa pa rin ng basa lalo na kung wala akong sales call sa labas. Through their blogs, parang nakikiliti ulit ang utak ko. Kagaya ng kiliting nararamdaman ko kapag may nababasa akong mga nag aaway sa pader ng cr o anumang public place. Mahilig akong magbasa (leadership/marketing/love story/nonsensical/kahit ano pa).

Mahilig din akong magsulat (dati) kaso masyado yata akong naging busy sa pagiging artista (at pagiging mayaman) lately kaya nakalimutan ko ng magblog. Then again, basa pa rin ako ng basa ng blog ng iba. Gulo mo!

There. Alam kong walang maitutulong itong promotion ko sa kanila dahil wala talagang nagbabasa nito (hahahahahaha!) pero kung sakaling wala kayong magawa ngayong oras na to, try nyo basahin yung blog ni Daddy Kuri at Gillboard, katuwa. Mga ser! Makinig kayo sa sat (6-9pm) at sun(3-6pm) sa 106.7 Energy FM. Dali na! Excited akong batiin ang angkan nyo.


I long for the day when I can write a post while sitting on a shore, drinking my pineapple juice, enjoying my tan, watching half naked persons, while thinking, "What the heck?! Am i the only profound person here? Bakit puro enjoy sila, ayaw nilang i-stimulate ang brains nila in this relaxing setting?"

Masabi lang.