Thursday, December 8, 2011

The Birthday That Was

Ang ending, halos 20k ang nagastos ko. Parang debut ah. Eh ordinary 23rd birthday lang naman.


Ayun mga kaibigan, nag birthday ako nung Dec 4. Ni hindi mo man lang ako naisip batiin. May mga nakaisip nga na igreet ako, wala namang regalo. Haha.

I always feel special kapag birthday ko. Palaging heightened ang emotions. Pag may nag greet, ang saya saya ko. Pag may nakalimot, ang lungkot. Pag may nangyaring wala sa mga plano ko, na hindi ko ginusto, nakaka-depress. Bottomline, magnified talaga ang emotions ko pag december 4. Actually basta pumasok na ang month na december.

Itong birthday kong ito, kakaiba. Parang napaka-engrande. Dami kong celebration. Feeling ko tuloy, ang dami-daming nagmamahal sa akin. Weh, di nga? Feeling ko lang din, ang daming taong looking forward sa celebration ko. Hindi ko alam kung bakit sila looking forward, o baka assuming lang ako, o baka naman heightened pa rin ang emotions ko.

Pre-Celeb

Dahil Sunday ang birthday ko (Dec 4, 2011), I decided to hold a little pre-celebration kasama ang mga friends ko, sa isang bar dito sa QC. Sa Delish. Relax lang naman dun sa area. Mabait ang aming waiter na si Bambi, at wala akong masamang masasabi sa food, sa sounds, sa venue, sa cr. Okay naman.

Ang lalong nagpasaya sa akin doon eh ang pagpunta ng lahat ng mga loves ko. Andun mga HS classmates ko na talagang tinuturing kong friends for life. Hoy mga gago, sobrang saya ko nung pumunta kayo sa birthday ko. Ayan na ha, pinapalaki ko na ang mga ulo nyo. Haha.

A little backgrounder lang, simula ng magkatrabaho ako, lagi na akong nagpapainom dito sa Manila, kasama ang mga officemates ko. Pero yung mga highschool friends ko, never ko sila pinainom sa Manila kasi sa Cavite ko sila iniinvite para makipag-celebrate sa akin. Eh ang mga damuho, nagtatampo dahil kaya daw hindi ko sila sinasama sa birthday ko sa Manila eh dahil ikinakahiya ko daw sila. Kaya ayun, this year, kasama na sila. Sobrang saya. Andun sina Dan, Michelle, Harishna, Alaiza, Gaddi, Riznel, Tisoy, Sharry, Carla, at Liel. In fairness to them, ganun pa rin sila kaingay. At nung mga oras na nagrereklamo pa sila na konti ang order nila,

Ace: Okay, evaluation time na. Yung ituturo ko ngayon eh sila na lang yung invited pa sa Manila blowout ko next year. Ang hindi matawag, sa Indang na lang pumunta ha?
Alaiza: Bakit pag sa amin chicken skin lang inoorder mo, pag sa mga officemates mo, liempo?
Ace: Okay, sa Indang ka na next year ha?


Syempre, as usual andun ang mga office-loves ko. Never fails. Ang saya nyo kasama and definitely, thankful ako sa pagpunta nyo. Alam kong pagod tayong lahat nun. I am most especially thankful for the attendance of my Division Head, Sir Remo, and Department Head, Sir Em. I am deeply touched, honored, and overwhelmed with your presence. Akalain mo yun, nai-libre ko kayo. Haha.

Syempre ulit, Hello Adz! Sya lang college friend ko na nakapunta. Mas masaya sana kung pumunta sina Emm, Nica, Ian, Caloy, Tim, among others. Pero sabi ko nga kay Adz, talking to a college friend is always refreshing. It relived the youth in me.

Radio Fan

Hindi lang sa mga friends at relatives ko umikot ang birthday celebration ko. Syempre papahuli ba ang mga pangga ko?

Nakakatuwa talaga ang Japanese fan ko na si Kenn Suzuki. Pinapunta nya pa talaga dun sa station nung Dec 3 board ko yung wife nya at daughter nila. May dala silang 3 boxes ng brownies at 8 kirin beer-in-can. Nakakataba talaga ng puso. At ang mas nakapagpataba ng puso ko eh nung malaman ko, na sobra ko pala silang napapasaya linggo-linggo, at nung araw na pumunta sila sa station, eh todo ko na silang pinasaya. Pinabati ko pa sila on air. Baka kasi isipin ng ibang listeners eh imbento ko lang na may bisita ako sa station.

Pero ang pinaka-bongga talaga eh yung binati ko ng paulit ulit ang sarili ko on air. Isipin mo nga, pag DJ ka, sino ang babati sayo sa birthday mo? Eh di ikaw din! Tawang-tawa ako sa sarili ko nung binati ko ang sarili ko sa last talk ko, with matching background ng "Happy Birthday Sweet Sixteen". Medyo kinilig naman ako, kahit alam kong ako mismo ang bumati sa sarili ko.

Night Before

Dahil sabi ko nga heightened ang feelings ko pag birthday ko, ayun eh di nag-emote ako dahil sumapit ang Dec 4, 2011 12:00AM eh nasa byahe pa rin ako pauwi. Paano ba naman, 9pm na natatapos ang board ko pag Saturday, eh Novaliches pa yun, Indang pa ako umuuwi. Pero okay naman dahil pag dating ko sa bahay, gising pa sila at talagang binati nila ako ng Happy Birthday with matching una-unahan sa dala kong brownies. Nga pala, nag commute lang ako diba? Imagine na may dala akong 3 boxes ng brownies, 1 framed self portrait, at 1 box na may 8 cans of kirin beer. Dala ko yan from Novaliches, nag fx ako, tapos MRT, tapos bus, tapos trike. Imagine ang hirap ko. Past 12MN na yan ha. At birthday ko pa.

Morning

It's such a weird and happy feeling to wake up and hear your name greeted a happy birthday on air. Sobrang sarap ng gising ko nun. Nakakatouch ang mga DJ ng 106.7 Energy FM dahil nagising talaga ako sa mga greetings nila. Lahat ng Sunday jocks, binati ako. Shit. I feel so loved and important. Pag bigyan nyo na mga hayop - birthday ko.

The Day

Such a looooong (blogpost) birthday celebration. It started around lunch time, nung magising ako. Konti pa lang ang tao, kumain kami ng lunch. After ko maglunch, naligo na ako at paglabas ko ng banyo, habang naka twalya pa lang ako at bakat ang mga abs ko eh voila! ayan na ang mga bisita!

Although hindi sila ganun kadami, maingay naman. Samahan pa ng mga house music ko. Shet ang sarap dahil ang lakas ng sounds - kumakabog ang bahay namin, at ang pinakamasarap, walang makapag saway sa akin sa sounds ko - birthday ko eh.

Bandang 6pm, pack up na sa bahay, punta naman kami sa Kontiki sa Tagaytay. Bale mga 25 kaming lahat at mga 80% sa kanila eh first time (o bihira) lang makapunta sa mga bars o mga ganung gimikan. Ang sarap ng feeling ko nung nakita ko silang natatarantang magbihis, mag ayos, at lahat nagmamadali na akala mo eh malapit na mag close yung bar. Naisip ko nun, "Ang sarap nila tingnan, parang okay na rin na maubos pera ko, ang dami ko namang napasaya."

Habang nasa jeep kami (jeep talaga, best in probinsyano award goes to us), grabe lang ang ingay. Parang mga probinsyano talaga. Tapos umarte ako bigla na inaantok na at masama ang pakiramdam. Eh ako manlilibre, eto tuloy ang dialogue:

Ace: Parang ang sama ng lasa ko. Babalik na lang ako sa bahay.
Pinsan (natataranta kunwari): Uy ano ka ba. Anong masakit sayo? Eto o gusto mo ba ng masahe? (sabay tawa ng malakas na malakas)


Sumisigaw pa ako nung medyo malayo pa kami sa tagaytay nang "Wag mong sabihing radyo, sabihin mo..." at ang hindi sumigaw ng malakas, hindi kasama sa libre. Kaya naman umaalingawngaw na E-NER-GY! ang maririnig sa sasakyan. Tawa lang ako ng tawa.

Pinsan: Oy si me-ann, ang lakas ng sigaw ng energy. Takot na takot hindi mailibre.


At eto na nga, dumating na kami sa Tagaytay. Dun kami nag park sa walang masyadong tao. Jeep lang kasi dala namin. Mamaya nyan pag tumabi kami sa magagandang sasakyan tapos magkaron ng gasgas yun, o kaya mawalan ng kung ano, eh kami pa ang pagbintangang nagnakaw.

*****

Pag pasok naman namin sa Kontiki, kung anong ingay nila kanina sa jeep, ganun naman ang tahimik nila. Sobra silang nakakatawa, ni walang umiimik, tapos kapag nag-uusap sila, bulungan lang. Sobrang nakakatawa. Halata talagang hindi sanay. Syempre pinapaingay ko sila. Sumigaw ulit ako ng wag mong sabihing radyo, sabihin mo...

Pinsan: Ayoko nga. Nakakahiya.
Ace: Bakit naman? Bakit ang tatahimik nyo? Haha!
Pinsan: Syempre behave kami, baka hindi na maulit eh.


At naging tahimik nga sila hanggang sa medyo tamaan sila ng konti. Hindi naman sila nagwawala pero halatang masaya talaga sila. Kaya naman masaya na rin ako. Sabi ko pa nga sa kanila,

Ace: Uy! Mag-ingay kayo ng konti. English ng konti. Pag ganito kalaking grupo tapos tahimik, halatang probinsyano. Dapat mukha kayong sanay.

****

At nagtuloy tuloy na nga ang "party" ko. Nandung tinanong ng vocalist sino ang may birthday, syempre sinabing ako. At sinabi ring ako si Ace Nabero. At syempre, pinaakyat ako sa stage. May mga nakakakilala sa aking guest din, tapos yung bassist kilala rin ako. Nagperform tuloy ako ng mini-show. Nakakahiya lang kasi medyo lashing na ako nun. Haha.

****

Malaki binayaran ko dun sa Kontiki. Masakit talaga sa loob. Haha. Pero masaya naman sila eh. Looking forward na ulit sila sa next bday ko. Gusto ko na tuloy gawing engrande lagi bday ko. Pag iipunan ko every year.

Ang ending, halos 20k ang nagastos ko. Parang debut ah. Eh ordinary 23rd birthday lang naman.

Tuesday, December 6, 2011

Ano ba ang totoong tawa?

Kamusta?

As the cliche goes, i hope everything and everyone's fine.

Ako, eto, ayos naman. Nagnanakaw ng sariling oras. Mga sandali na ninakaw ko sa 24 oras ko na parang kulang.

Masyadong maraming nangyayari sa akin. Actually, para ngang walang nangyayari sa akin.

Nalulunod ako. Hindi sa dami ng trabaho, kundi sa bilis ng mga araw. Hindi ko na ito namamalayan. Nalulunod ako sa bago kong mundo. Bihira na ako tumawa ng tunay. Tawang malakas na lang. Hanggang bibig at lalamunan na lang ang mga hagalpak na lumalabas sa akin. Hindi na galing sa puso. Kumbaga, hindi ko namimiss ang mga oras na tumatawa ako. Para bang dumaan ito at umalis na hindi ko man lang napansin.

This is the life I chose. Indeed? I myself am still not sure.

Basta ngayon, ang buhay ko eh nagsisimula ng mga 5:30 ng umaga, natatapos ng mga 11pm. Mabilis lang. Kung papanuorin mo nga sa pelikula parang walang nangyari. At very predictable. Tipo bang parang gustong iextend ng director ang pelikula kaso wala ng budget. In my case, wala nang oras. Gabi na eh. Maaga pa ulit ang gising bukas.

Ngayon lang ako nagkaroon ng oras na ganito. Kaya naman nilubos lubos ko na ang pagsasayang ng oras.

Gumising ako ng alas dose ng madaling araw. Nakatulog ulit at nagising muli around 1:30 am. Hindi na ako matutulog hanggang mag umaga. Mag aaral kasi ako para sa 4 na exam ko bukas. Enumerate ko lang for my own benefit: Peso-Dollar counterfeit, Clearing operations, ATM Operations, at Platform Banking System.

Hindi naman ako nagyayabang sa terms, gusto ko lang gumaan ang loob ko.

Sana bumalik na ang mga araw. Gusto ko na ulit tumawa ng totoo. Gusto ko na ulit mag-isip at magmuni muni. Dahil nga sa kakulangan ko sa sariling oras ko, para bang bawal na ako mag-isip mag-isa. Kahit pa habang ako'y nasa kubeta.

Ano bang ibig sabihin ko sa tawang totoo?

Eto yung tawa na masarap, halos maluha ka na, tapos habang tumatawa ka nag-iisip ka na, "oo nga no? nakakamiss ang mga kasama ko ngayon". Hindi totoo ang tawa kung hindi ka nag-iisip habang tumatawa at kung mag-isip ka man, ang laman naman nito ay "hahahahahaha".



Originally posted on July 14, 2009. Back during the days na kakasimula ko pa lang magtrabaho. Ngayong 23 na ako, namimiss ko pa rin naman ang totoong tawa.

Ni-repost ko ito dahil gusto kong sumali sa pakulo ni Gillboard.