Wednesday, June 2, 2010

After That Infinite Hibernation in Mcdo

I somehow lost myself during the last few weeks. It left me nothing but shallow thoughts.

Present circumstances, however, led me where I am now. I am happy, though a bit shallow still. But i am happy. A little lost but somehow managed to talk to my inner self.

***************

Nyaha. Actually, pinilit ko lang mag post ulit ng bago dahil 2 months nang walang bago dito sa blog ko. Sayang naman. Matagal na syang natutulog.

Andito ako ngayon sa McDonald's Valero, sinasamantala ang libreng WIFI at ang laptop na pinahiram sa akin ni Mark dahil lang sa tinatamad syang magbuhat ng mabigat. Buti na lang masipag ako magbuhat sa gym kaya ako na lang ang nag-uwi.

**************

Hey! Ang dami dami nang nangyari sa akin since the last time i posted. Super dami. Ka-level ng 2 seasons ng Gossip Girl o kaya Vampire Diaries sa dami nang action at twists. Kahit ako nga nagugulat. Lalo na siguro yung mga viewers ko. Love the attention though. Haha. May ADHD pala.

Basta ang dami nang nangyari, at lahat nang ito ay parang speed of light sa bilis na nangyari kaya ako feeling ko basta na lang ako natangay nang lahat ng nangyari. God puro "nangyari" ang word!

Anyway, basta. Lutang pa rin ako ngayon. Para bang nagising na lang ako mula sa mahimbing na pagkakatulog tapos habang tulog ako eh may Ace na gagong nakialam sa buhay ko at ginulo ito ng todo todo kaya naman ngayon na nagising na ako eh ang dami ko nang dapat ayusin. Hahhhhahh . Haba ng sentence!

Basta ang dami kong dapat ayusin ngayon. Yung iba pilit kong inaayos. Yung iba naman wala na lang akong pakialam. Basta hinahayaan ko na lang na sampal-sampalin ako nito habang lumalampas sya sa harapan ko.

******************

Haay sarap mag-blog! Dati kasi sarili ko lang kinakausap ko at least ngayon high-tech na ang kausap ko. Hindi ko na kailangan pa mag-worry na baka may ibang taong nakakarinig sa akin (at isipin nilang baliw ako) o kaya baka naman sawa na ang mga kaibigan kong makinig sa paulit-ulit (at walang kwenta) kong mga kwento. Hindi ko na rin kailangan pang uminom para makapag-salita ng seryoso. I miss you blog!

*******************

Gusto ko na magka-laptop. May WIFI din kasi sa bahay na tinutuluyan ko ngayon. Mas masarap siguro mag blog kung nasa private place ka, hindi katulad dito sa Mcdo na may makakatabi kang tsismosa na nakikibasa sa post ko. Masyado pang humahanga dahil hindi ako nakatingin sa keyboard habang nagty-type. Badtrip. Badtrip din tong magsyotang nasa harapan ko na parang nagte-terno ng pagkahaba ng buhok. Nagmumukha tuloy tomboy yung lalaki. Ang pangit nila pareho. Harhar.



SA SUSUNOD NA ULIT!

No comments: