Monday, February 9, 2009

On Pain

I was about to make tantrums about what I am feeling right noe but then i realized, i shouldn't be feeling nor thinking like that.

Mas maraming tao ang nahihirapan. Kahit pa nahihirapan ako, maswerte pa rin ako.

Natuwa ako sa quote na nakuha ko sa May Bukas Pa (for those who don't know, teleserye ito sa Ch 2). Sabi dun,
Nagbibilang po ako. Mas marami pa rin yung swerte kesa sa malas. - Santino, not in verbatim


Subukan ko kayang magbilang din. Siguro magugulat din ako na malaman na mas marami talagang magandang nangyayari sa akin kesa sa masasama.

Wala lang naman. Ganito talaga ako kapag bagong gising. Kung makaarte eh akala mo naman ulilang lubos na walang makain, na palaboy laboy lang sa kalsada.

Pero alam nyo kung ano problema ko? Hindi ko alam kung paano pumunta sa Lufthansa Technik. May interview kasi ako sa Wed, Feb 11, for a Project Analyst position. Dahil dun, mababawasan din allowance ko. Syempre magcocommute lang ako papunta dun - pamasahe. Pangatlo, ang layo. Ubos oras ko. Eh parang ayaw ko na naman dun magtrabaho. Ano gagawin ko?

a. Hindi pupunta. Tapos manghihinayang.
b. Pupunta. Tapos manghihinayang pa rin.
c. All of the above.
d. None of the above.

Game ka na ba?

2 comments:

sharry said...

gagi natawa ko! let me know kung ano magiging sagot mo! haha. miss u phoe! (duwaaak!) haha

ace.ricafort said...

haha. sure. by tomorrow i will have the decision. miSs nA rIn pHow KiTa! mWaAhUgGz!