Pinilit ko lang na rhyming yung title ko bakit ba?
So ngayon lang ulit ako nakapag-update ng blog ko. Pansin mo rin? Busy kasi ako. Alam mo naman, hirap kumita ng pera, hilig ko pa uminom, matulog, at marami akong gala kaya wala na akong oras para pa mag-blog. Ngayon nga lang, kung hindi lang ako tinamad gawin yung call reports at proposal na dapat ko tapusin. Nag-palipas muna ako ng oras - nag blog muna ako. Nagbabasa pa rin naman ako ng blogs ng iba, hindi lang talaga ako nagsusulat ng tungkol sa akin. Mas gusto ko ikwento ng personal, kesa itype dito ang mga happenings sa buhay ko. Ano ako, loser na walang friend na makwe-kwentuhan?
Bago pa maligaw sa topic, kwento ko muna sa inyo kung saan na naman ako galing last October 11-14, 2012. My richest HS friends and I had a weekend getaway to the Land in the South (hindi ko kasi alam adjective sa kanya), Davao City! Richest kasi magastos itong lakad na ito. Ayaw ko na lang sabihin kung magkano exactly dahil baka naman mapaluha ang parents ko at kapatid ko pag nalaman nilang gumagastos ako ng ganun kalaki sa galaan.
Kwento ko sa inyo per day ha? By the way, sino ba kausap ko dito eh wala naman akong followers? Ah alam ko na, future self ko na lang. O kaya malay mo sumikat ng husto si DJ Ace Nabero, aba eh di magandang source ito ng intriga para sa mga showbiz reporter.
So going back, tangina lang itong flight namin kasi 4:00 am that's why we had to be at the airport at around 2 in the morning so imagine the sleeplessness that we had to endure that night. Not to me though, kasi natulog ako around 8pm, gumising ng 12 midnight, tapos di na ako natulog. Buti na lang nakatulog agad ako around 8pm - napagod kasi ako dahil galing pa ako nun sa grocery at salon (nagpagupit muna ako kasi maraming picture taking sa Davao, di ba?)
Day 1 - Oct 11, 2012
Arrival
City Tour
Bawal nga pala magyosi sa Davao. Eh loko ako eh kaya nagyosi pa rin ako. In short, wala pa akong 5mins na nasa airport, may pulis na agad na humuhuli sa akin. Instant celebrity ako nun dahil nakatingin sa akin lahat ng tao. Dinala ako dun sa himpilan ng mga pulis pang-kalawakan, sinulat ang pangalan ko sa logbook, at muntik na akong pagbayarin ng fine na PhP 500. Buti na lang magaling akong magsinungaling. Sabi ko first time ko sa Davao (kaya di ko alam na bawal pala), at dalawa lang kami ni Reymund na magkasama (naglayuan kasi lahat ng barkada ko nung hulihan na) kaya wala akong pera pang fine. In short, lusot. Walang huli. Hehehe.
![]() |
no smoking pala ah, pwes |
Kung hindi lang namin mahal ang isa't isa, malamang hindi kami nag-enjoy sa first day namin sa Davao. Pagod na pagod kasi kaming lahat. Dumating kami sa Davao ng 6.15am, nahuli ako ng pulis, nag-breakfast, pumunta ng hotel, at natulog pa ng konti kaya naman 11:00am na kami nakapagsimula mag city tour. Saan kami pumunta? Sa Eden Nature's Park na tangina lang ang buffet lunch na Php 470 each pero para ka lang kumain sa jolly jeep. Hindi worth it ang lugar na yan. Pero masaya yung Indiana Jones ride nila. Yun lang naman saka yung mala-Baguio na temperature at pine trees. Pero pumunta naman kami sa Philippine Eagle Center so okay na din. Ang ganda tingnan ng mga eagle ng up close and personal. Yun nga lang, hindi namin mapigilang kumanta ng,
"ibon mang may layang lumipad, kulungin mo at lumilipad"
![]() |
Ingay mo daw! Tinuka ka tuloy. |
![]() |
Masama sa loob namin ang bumaba ng sasakyan para mag-tour. Antok pa. |
Pagkatapos sa Eagle Center, direcho na kami sa Jack's Ridge para mag dinner. Napansin nyo rin na tatlo lang napuntahan namin? Eh antok na antok nga kami eh. Di na namin kaya pa gumala.
Sa Jack's Ridge, pinasubok ko sa kanila yung Durian Coffee. Hindi na ako sumubok pa ulit nun dahil nakatikim na ako nun at hindi naman ako nasarapan. Pinilit ko silang lahat umorder para makaganti man lang ako sa kanila sa experience ko sa coffee. Hindi rin ako umorder ng dinner, cake at brewed coffee lang, dahil bukod sa busog pa ako sa buffet lunch na tanginang mahal, eh first day pa lang yon, ayaw ko naman maubos agad pera ko.Sa Taklobo restaurant pala kami kumain nung gabing yon. Maganda ang ambience, overlooking Davao City, at may mga kumakanta rin bawat table na pagkagaganda ng boses. Hindi nila nilapitan yung table namin kasi mukha daw kaming walang pera. Hindi naman kami na-offend dahil hindi rin naman kami magbibigay kung nagkataon. Baka napaos lang sila kasi magrerequest kami ng mga pang birit na kanta sa kanila.
from left: Reymund, Ria, Nani, Alyssa, Ace Nabero, Sharry, Michelle
not in the picture: eh di yung kumuha ng picture, hello? (hi Phillip!)
Itutuloy...
4 comments:
love it! day 2-4 chika, bilis!
buti pinalaya ka. :)
Post a Comment