Ang dami kong dilemma: namimiss ko sya, naguiguilty ako sa lahat ng nangyari, nahihiya ako sa friends ko, at wala akong matuluyan.
Ang dami ko ring kasalanan. Sumasakit puso at ulo kapag nababasa ko ulit ang mga SMS nya sa akin. Parang paulit ulit akong sinasampal. Para ring paulit ulit akong minumura ng isip ko.
Naranasan nyo na bang gumising nang nalulungkot tapos natatakot sa kung ano ang pwedeng mangyari? Naranasan nyo bang malungkot at kabahan dahil 5.30, uwian na, malapit na namang gumabi?
I never thought (never ever) na mararanasan ko yun. Hindi ko rin alam kung paano ko kinakayang lampasan ang bawat araw sa buhay ko.
Para bang wala akong mahawakan. Para bang nahuhulog ako sa bangin na hindi ko alam kung kelan matatapos. Parang mas masarap pa sa pakiramdam na bumagsak na lang ako sa dulo ng bangin, magkalasog lasog ang buto, at hindi na magising. At least tapos na.
Akala ko dati, pag natapos na kami, mas magaan na sa buhay ko. Unhealthy na rin naman kami eh. Pero nagulat ako sa ending. Hindi ako prepared. Akala ko kasi hindi pa matatapos.
ANG BIGAAAT.
Can anyone help me? I need a place to live. I cant pay for big amounts of downpayment as of the moment kaya hindi ako makalipat agad. I am saving for my bday celebration (which happened to be my sister's debut as well), and christmas and new year's eve. I can share sa expenses. I just cant pay nga nang malaking downpayment. I am now squatting to and from each other officemates' houses.
By the way, Happy Birthday to me.
2 comments:
Ano ka ba, there's so much more to life. Kapag nagkalasog-lasog na ang buto mo, wala ka ng matatanggap na Christmas Bonus!
i know right! hehe. party ko sa bday mo!
Post a Comment